SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
WALANG bawal-bawal o paghihigpitan ang bawat isa kapag nakasal na. Ito ang nilinaw kapwa nina Jerald Napoles at Kim Molina kapag ikinasal na sa Marso.
Ayon sa KimJe sa isinagawang media conference ng kanilang muling pagbibidahang pelikula mula Viva Films, ang Wonderful Nightmare na idinirehe ni RC delos Reyes, hindi sila magpapataw ng limitasyon sa mga proyektong gagawin sakaling mag-asawa na sila.
“Actually, we might even be more open to accepting projects because we’ll already be married and starting a family, so we’ll need to work more and maximize our careers while the public’s support is still there,” paliwanag ni Jerald.
“As long as people want us, we’ll keep accepting projects,” dagdag pa ng aktor.
Sinabi naman ni Kim na hinuhubog na ng ilang taon ng kanilang pagsasama ang seguridad sa isa’t isa. Inamin nitong nalampasan na niya ang insecurities niya noon.
“My jealousy before or my little bouts of drama, maybe that was because I wasn’t sure yet if he was going to marry me, so I was more sensitive about certain scenes or projects,” aniya.
“But now that he has proposed and shown that he’s serious, I feel more secure and more open to whatever he wants to pursue professionally.”
Nang tanungin kung handa siyang isakripisyo ang career kapalit ng pagsikat ng kabiyak, sinabi niyang handa niyang gawin ito.
“Of course, I’m ready if needed, because this is a partnership — it can’t always be just me or just him,” nangingiting katwiran ni Kim. “And besides, whatever he earns will go to me anyway, so that’s fine.”
Sa kabilang banda, ipinagmamalaking ihandog ng Viva Films ang adaptation ng 2015 Korean blockbuster hit na Wonderful Nightmare, ang kwento ng isang career woman na mapupunta sa katauhan ng isang housewife matapos maaksidente.
Si Atty. Ma. Luisa “Lui” Manuel (Molina) ay kilala bilang matinik na abogado na may malalaking kaso. Hindi ito nagpapakita ng emosyon kaya naman walang puso ang tingin sa kanya, pero sa katunayan, umiiwas lang itong masaktan. Bata pa lang ay naulila na si Lui, at dahil sa sunod-sunod na masamang pangyayari, ipinangako niya sa sarili na hindi maghihirap at hindi mangangailangan ng lalaki at pag-ibig.
Ang kalkuladong buhay ni Lui ay biglang matatapos nang mabangga ang kanyang sasakyan. Magigising siya sa langit pero muling pababalikin sa lupa dahil hindi pa ito ang tamang oras ng kanyang kamatayan. Kailangan niyang mabuhay sa katawan ng isang babae sa loob ng isang buwan.
Sa muling paggising ni Lui, isa na siyang asawa ng isang simpleng emplelado na si Julian (Jerald) at ina ng isang teenager na babae na si Jaja (Althea Ruedas) at ng anim na taong gulang na si Justin (Archilles Wenceslao). Nakatira sila sa munting apartment.
Hindi makapaniwala si Lui na kailangan niyang alagaan ang kanyang temporaryong pamilya gamit ang maliit na sweldo ni Julian.
Sa paglipas ng mga araw, unti-unting matututo na tanggapin ni Lui ang buhay niya bilang isang ina at asawa. Natutuwa naman si Lui sa pagiging mapagmahal na asawa at ama ni Julian kahit may pagka-corny ito. Ang bunsong anak na si Justin ay mabait at sweet din, pero si Jaja ay may pagka-rebelde.
Sa bagong buhay na ito, magkakaroon si Lui ng mga bagong kaibigan: ang raketerang si Olga (Yumi Lacsamana), ang nagbebenta ng leche flan na si Sansan (Quinn Carillo), at ang pinaka-logical sa kanilang lahat na si Daisy (Divine Aucina).
Sa takbo ng kwento, alamin kung kailan at paano maiiba ang pananaw ni Lui sa kanyang bagong buhay. Kung noon ay hindi niya pinangarap na magkaroon ng pamilya at makaranas ng pagmamahal at kaligayahan, ngayon ay isang bangungot na ang iiwan sa pamilyang ito. Pero isang buwan lang ang dapat niyang itagal at hindi maiiwasang magigising siya sa pinaka-magandang bagay na kanyang naranasan.
Ipalalanas na sa mga sinehan ang Wonderful Nightmaresa February 25, 2026. Kasama rin dito sina Al Tantay bilang hepe ng Heaven’s intermediary, Candy Pangilinan bilang reklamador at masungit na kapitbahay ni Lui, Krissha Viaje bilang kapwa abogado ni Lui, Jaycee Parker bilang nanay ni Lui at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com