Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABIL
ni John Fontanilla

PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush na si Anne Curtis.

Kuwento ni Martin sa mediacon ng Project Loki na mapapanood sa Feb. 21, “Siyempre nakatrabaho  ko na si Andres, gusto ko namang makatrabaho dad niya, si tito Aga.

“’Yung napanood ko ‘yung movie niya with Nadine, ‘yung ‘Uninvited,’ sobrang galing niya roon.

“Sabi ko nga kay Andres, ‘brgusto ko makatrabaho Dad mo, sobrang galing.’

“at gusto ko tanungiin siya kung paano niya pag-aralan ang pag-akting, napaka-galing.”

Bukod kay Aga ay gusto rin nitong makatrabaho ang crush niyang si Anne.

Sa mga babae si Anne Curtis, siya ‘yung OG crush ko bata pa ako pinanonood ko na siya.”

Minsan na silang nagkita ni Anne sa opisina ng Viva, pero ‘di niya nabanggit dito na crush niya ang host/actress.

Sa opis sa Viva, nag-hi lang ako, sabi ko, ‘hi ate,’ ganoon lang. Nahihiya pa rin ako sa kanya.

“Pero isa siya sa gusto ko talaga makatrabaho, hopefully soon makatrabaho ko siya.”

Makakasama ni Martin sa Project Loki sina Dylan Menor, Jayda Avanzado , Marco Gallo  at Yumi Garcia with Love Yauco , Iven Lim  , Joanna Lara , Michael Keith , Ashley Diaz and Kurt Delos Reyes.

Ang AkoSiIbarra’s mystery-crime thriller series Project Loki ay available to stream on Cignal Play at Viva One app simula Feb. 21 mula sa mahusay na direksiyon ng aktor at pilot na si Xian Lim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …