Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Im Perfect Sylvia Sanchez

I’m Perfect muling ipalalabas sa SM MOA, SM North, SM Southmall 

MATABIL
ni John Fontanilla

MISMONG si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios ang umamin na hindi kumita ang kanilang pelikulang I’m Perfect sa katatapos na  51st Metro Manila Film Festival.

Bagamat ‘di kumita ay very thankful pa rin ito at nakasali at nakapasok ang kanyang pelikula sa taunang festival. Tatlong mahahalagang awards naman kasi ang naiuwi ng I’m Perfect sa Gabi ng Parangal ng MMFF at ito ay ang Best Picture,  Best Ensemble, at Best Actress para sa lead actress nitong si Krystel Go.

Lilibot sa iba’t ibang bansa para mapanood ng mga kababayan nating nagtatrabaho o naninirahan na sa ibang bansa ang naturang pelikula.

At ngayon isa na si Kyrstel kasama ang iba pang casts ng I’m Perfect na pumirma ng management contract sa Nathan Studios Talent Management Agency.

Kasabay nilang pumirma ng kontrata si Ice Almeria, ang  grand champion ng Time to Dance na ipinrodyus ng Nathan Studios sa ABS CBN.

At sa Valentine’s Day ay magbabalik-cinema ang I’m Perfect (SM Mall Of Asia, SM North Edsa, at SM Southmall), kaya naman sabay-sabay nating panoorin ang  simula February 14. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …