Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sexbomb Aira Bermudez

Sexbomb Eira itinuloy concert kahit nadesgrasya

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizen ang napabilib ni Sexbomb Eira Bermudez, dahil kahit naaksidente sa rAWnd 4concert nila sa MOA Arena noong Sabado ay  nag-perform pa rin ito sa RAWnd 5 ng Get, Get Aw! The Sexbomb Concert.

Post ni Eira sa kanyang Facebook.

Keep moving forward.☝️

“Bumagsak man ako kagabi at naaksidente pero babangon at lalaban tayo ngayon. 

I’m okay, nothing serious happened and I’m ready. The show must go on! See you later!

Hindi ako pinalaki ng SexBomb para bumawi— pinalaki ako para LUMABAN. 💣🔥.”

Sa buwis-buhay na production number ni Eira, hindi siya nasalo ng isang back up dancer, habang iwinawasiwas sa ere, kaya ang ending ay tumama ang mukha nito sa entablado.

Dinala ito sa ospital para matingnan. Mabuti na lang at hindi grabe ang pagkakatama ng mukha ni Eira sa entablado, kaya naman nagawa pa nitong mag-perform sa RAWnd 5 ng kanilang concert, lalo’t isa sa inaabangang production number sa Sexbomb concert.

After RAWnd 5 nga ay maraming netizens ang ‘di nakapanood kaya marami ang nagre-request na magkaroon ito ng RAWnd 6 at ‘yan ang ating aabangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …