Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Molina Jerald Napoles Wonderful Nightmare

KimJe magpo-focus sa isang anak

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAG-UUSAPAN na nina Kim Molina at Jerald Napoles kung ilang anak ang gusto nilang magkaroon. Lalo’t sa March na ngayong taon gaganapin ang kanilang kasal.

Pero ayon kay Jerald, mas nagpo-focus sila muna sa isang anak at kung bibiyayaan pa ng isa o higit pa roon ay okey lang sa kanila.

Kuwento nga ni Jerald sa katatapos na presscon ng Philippine adaptation ng Korean hit film na Wonderful Nightmare, hatid ng Viva Films, idinirehe ni RC Delos Reyes at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa Feb. 25.

Yes po, kailangan pag-usapan, depende sa budget.”

Nang tanungin kung ilang anak ang gusto nila, sagot ng dalawa, “For now iniisip namin is kung ano ‘yung ipagkaloob na una, we’ll take it at a time, ‘yun lang muna.

“And kung bigyan ng pagkakataon at bibiyayaan kami na magkaroon pa ng kasunod, why not? But for now we have to focus on the reality and the prospective of  every situation.

“So nagpaplano muna kami na isa, parang ganoon.”

At kung magkakaanak sila, ang gusto ni Jerald ay katulad ni Kim, “Ako i’m sure baka makuha kay Kimmy sobrang playful at sobrang sweet and adorable.

“Si Kimmy sa bahay namin puwede ko siyang panoorin masaya na ako.

“Kasi may ganoon siyang energy.

“So imagine mo lang na maliit na bata makuha ‘yung ganoong energy kay Kimmy. I think sobrang cute niyon,” wika ni Jerald.

Naratawang sundot naman ni Kim, “Basta matalino po siya! ” 

Dagdag pa ni Jerald na sa bawat pelikula na gawin nila ay sino-showcase nila ang kanilang talent para maganda ang maging resulta nito at magustuhan ng manonood.

Every movie naman na gawin namin, it’s either comedy o dramedy always showcase somehow the talent that we have, that we can show,” dagdag pa ng aktor.

Pero sa pelikulang Wonderful Nightmare ay ipinagmamalaki ni Jerald na kakaiba at napakahusay na Kim ang mapapanood.

But I think this movie, will showcase more of Kim, his prowess, because this is the first time that she’ll gonna be portraying two characters as a lead in one movie.

“So, dual charater si Kim dito, and I think bias aside, even Direk (RC) and the team that created this movie will agree that Kim really did a great job,” buong pagmamalaki pa ni Jerald kay Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …