HINDI napigilang maiyak ng komedyanang si ChiChi Rita sa presscon ng pelikulang Batang Paco ng MiVida Productions at pinagbibidahan nina Ai Ai Delas Alas at showing na sa February 18 sa mga sinehan nationwide.
Dream come true kasi para kay ChiChi na makatrabaho sina Ai Ai At Empoy Marquez.
Hirit pa nito, bata pa siya ay napapanood na niya si Ai Ai at marami ang nagtatanong kung nanay ba niya si Ms Ai Ai.
“Naiiyak talaga ako kasi natutuwa talaga ako, dahil ‘yung mga nakasama ko rito sa pelikula mga close rin, mga kaibigan.
“Ayan si Joey Vargas kilala ko na siya noong 2015, sila Ynez Veneracion, Kim (Rodriguez), Kuya Mon (Confiado), halos lahat naman talaga sobrang saya ko. Pangarap ko talaga na makatrabaho ang isang Ms Ai Ai Delas Alas.
“Bata pa lang ako ‘di pa ako nag-aartista, sinasabi nila, ‘nanay mo ba si Ai Ai?’ ganoon. Kaya naman sobrang happy po ako na nakasama ko siya at may Empoy Marquez pa.”
Ang Batang Paco ay magsisilbing kauna-unahang pelikula ni Chi Chi Rita na kasama rin sa movie sina Richard Quan, Cassie Lavarias atbp.. Directed by Rechie Del Carmen sa panulat ni Marissa Tagasa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com