Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang minsang makausap namin ito na posibleng sumabak din siya sa politika katulad ng kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Dating mayor ng Paranaque si Joey samantalang naging konsehal naman ang kanyang inang si Alma ng Paranaque.

Kaya sakaling pasukin ng beauty queen ang politika hindi na kataka-taka dahil mula siya sa isang political clan kaua nasa dugo niya ang pagiging public servant.

Sa kasalukuyan, barangay kagawad si Alma sa Tambo, Parañaque habang ang anak niyang si Yeoj Marquez ay konsehal sa 1st District ng Parañaque.

Very proud si Winwyn sa kanyang ina. At buong pagmamalaki ang ginagawang pagtulong ng kanyang ina, malaki man o

maliit ang posisyon niyon.

“Kahit na kagawad siya, she’s making a difference. And that’s very admirable. Kahit na, alam naman natin ‘yung mga pinagdaanan niya before, but her heart really belongs to helping other people,”

sabi ni Winwyn.

Ipinagmalaki rin ni Winwyn ang pagiging totoong tao ng kanyang ina.

Nalaman naming dating SK (Sangguniang Kabataan) si Winwyn pero iginiit na hindi muna para sa kanya ang politika sa ngayon.

Kailangan ko muna talagang matutunan kung ano ba talaga ang government,”

anito.

Basta sa ngayon tumutulong siya sa iba’t ibang organisasyon sa paraang kaya niya. 

I don’t need a position now to help, sa abot ng mga makakaya, tumutulong naman ako. If the time comes that maybe magpa-politics ako then why not but now, I’ll help in ways that I can,” wika pa ng magandang aktres.

Ukol naman sa muling pagsabak niya sa beauty pageant hindi niya isinasara ang pintuan. Kaya abangan na lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …