SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
DUMALO sa kapistahan ng Lipa ang mga aktres na sina Arlene Muhlach at Yayo Aguila na inimbitahan ng presidente ng Lipa City Tourism Council na si Joel Umali Pena.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ng kapistahan si Teacher Raquel ng PBB gayundin ang manager na si Rex Belarmino kasama ang mga alagang beauty queen.
Bukod sa dumayo sila sa tahanan ni Joel, masaya rin silang nakipista sa Solano Hotel na pag-aari ng mag-asawang, Charles at Lorena Solano at sa bahay ng parents ni Marie Lozano, dating TV Patrol.
Pinagkaguluhan sina Arlene at Yayo ng mga nakipista sa bahay ng Pena family at kahit saan sila makita ng mga Lipeno magiliw silang nagpapakuha ng picture sa dalawa.
At dahil naroon na rin kami, hindi na namin pinalagpas na tanungin once and for all ang isa sa kumakalat na tsika ukol sa pamangkin ni Arlene na si Atasha, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Inusisa namin si Arlene ukol sa katotohanan sa likod ng tsikang bakit hindi na nakikita si Atasha sa Eat.. Bulaga!
At si Arlene na nga ang nag-ispluk ng kumakalat na tsismis, “Nabuntis nga raw ni Joey de Leon,” sabay bawi na nakakaloka ang mga fake news na kumakalat.
Iginiit ni Arlene na fake news ang lahat at sinabing kaya wala sa Eat Bulaga si Atasha ay dahil abala ito sa series sa Viva, ang Bad Genius na pinagbibidahan nga ng batang aktres.
Na siyang tunay dahil sa media conference ng Bad Genius nasabi naman ni Atasha na madalang na siyang makapupunta sa Eat Bulaga dahil nga sa kanyang seryeng pinagbibidahan.
O ayan nilinaw na ng tiyahin ni Atasha ang balita, siguro nama’y matitigil na ang pagkalat ng mga fake news.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com