SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
ILANG taon nang isinasagawa ang Likhang Lipeño: Ganda at Disenyo (A Runway Show) tampok ang iba’t ibang gandang likha ng mga mahuhusay at malikhaing Lipa City Designers at Hair and Make-Up Artist kasama ang mga inimbitahang Batangueño na designer, HMUA, mga modelo at celebrity/influencers na ginanap sa Plaza Independencia bilang parte ng dalawang linggong pagdiriwang ng Lipa City Fiesta 2026.
Matagumpay na ginanap ang Likhag Lipeño: Ganda at Disenyo (The Fashion Show) sa Plaza Independencia kasama si Mayor Eric Africa katuwang ang Program Head, Georgia Reyes.
Tunay namang napakagaganda ng mga itinampok sa Likhang Lipeño na maipagmamalaki ng bawat isa.
Kasama sa Gandang Disenyo sina Paul Semira, Jenny Camacho, Ken Laluna, Santa Emmanuelle, Romar Reyes Ada RN, Precious Jewel Dimaculangan, Velisse Gowns, at Lauren Aguila Berberabe Hernandez
Sa Gandang Likha naman ay kasama sina Ervin Eribal, Marky Sangalang, Nicole Jimenez, Ronel Lucero, Roniel De Luna, Vhee Dimailig, at Red Sarmiento.
Layunin ng Likhang Lipeño: Ganda at Disenyo na ipakilala at itampok ang husay, talento, at malikhaing kakayahan ng mga magagaling na Lipeño sa larangan ng moda at sining—mga likhang tunay na maipagmamalaki ng lungsod ng Lipa.
Iba’t ibang tema, estilo, at konsepto ang ipinamalas sa bawat kasuotan—mula sa makabago at makulay, hanggang sa elegante at makabuluhang disenyo—na lalong nagbigay-kulay at buhay sa entablado. Higit pang pinatingkad ang mga likha ng mga nagaganda at nagagwapuhang modelo na buong husay at kompiyansang rumampa, na umani ng papuri at paghanga mula sa mga manonood.
Ayon kay Mayor Africa buong puso niyang sinusuportahan ang Likhang Lipeño na nagpapakita ng talento at malikhaing industriya. Ang adhikaing ito’y nagsisilbing inspirasyon para higit pang kilalanin at paunlarin ang kakayahan ng mga Lipeño.
Sa post naman ng kanilang program head na si Georgia, sinabi nitong, “Still overwhelmed with gratitude for the success of this event.
“Thank you to everyone who shared their time, talent, and passion to make this show truly unforgettable.
“This was more than a show, it was a celebration of hard work, creativity, and unity.
So proud of what we created together.
“Grateful, honored, and proud to be the Chairman & over all director of this incredible event. ”
Ginawaran ng plake ng pagkilala at bouquet of flowers ang 15 Gandang Disenyo at Gandang Likha na lumahok sa nasabing event.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com