SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IKINOKONSIDERA ni Paolo Gumabao na isa sa maganda at malaking achievement ang paggawa ng pelikulang Spring in Prague ng Borracho Films. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng aktor sa prodyuser nitong si Atty. Ferdie Topacio.
Sa isinagawang media conference noong Lunes ng Spring in Prague sa Valle Verde Country Club, hindi maitago ni Paolo ang kasiyahan na sa wakas ay ipalalabas na sa February 4, 2026 ang pinaghirapan nilang pelikula.
Aniya, “Isa ito (Spring in Prague) sa pangarap ko. At siyempre, ‘yung Mamasapano (2022) na ibinigay sa akin ni Attorney.
“Kaya lagi akong nagti-thank you kay attorney. Kasi, lahat ng mga ibinibigay sa akin na roles, lahat ng ibinibigay sa aking projects, talagang nakapalaking bagay, dream come true lagi para sa akin,” nakangitingdagdag pa ng aktor.
At dahil bagong taon natanong ang aktor ukol sa bad habits na ayaw na niyang gawin. Hindi naman iyon sinagot ni Paolo bagkus sinabing, “Siguro cutting out some habits. Kailangan kong ayusin ‘yun.
“Hindi naman ako perpektong tao. Lahat naman tayo, mayroon tayong habits na… hindi lang habits. May parte tayo sa ugali natin na gusto nating i-correct o tanggalin,” anito.
Sinabi pa ng aktor na nasa proseso siya ngayon na tinatanggal iyong bad habits. At kung ano iyon, ayaw namang ibahagi nito.
“Parang 2025 para sa akin, parang ang dami kong revelations tungkol sa sarili ko. I don’t want to say na na-achieve ko na, pero all I can say is in the process of achieving.”
Ang Spring in Prague ay ukol sa love story ng Pinoy resort owner na si Alfonso “Alfie” Mucho (Paolo) at ng turistang Czech na si Maruska “Marie” Ruzicka (Sara Sandeva).
Kinunan ni Direk Lester Dimaranan ang pelikula sa Oriental Mindoro at Czech Republic.
Sa pagbabahagi ni Paolo ukol sa pelikula sinabi nitong na-challenge sila sa pagpapakita ng pagkakaiba ng kani-kanilang kultura, bilang si Alfonso at si Maruska.
“Nag-try kaming mag-isip ng mga iba’t ibang paraan. Parang isipin niyo, tayong mga Pinoy, minsan pinaghahalo natin ‘yung ketchup at toyo.
“Parang different cultural habits, kumbaga. Roon kami na-challenge, na maghanap ng specific traits ng each of the characters para ma-highlight sa film.”
At napagtagumpayan naman kapwa nina Paolo at Sara na ipakta ang differences na gusto nilang ilahad sa pelikula.
Naibahagi rin ni Paolo na first time niyang gumawa ng pelikula na mabait talaga ang karakter nya.
“Lahat ng mga project ko before this film, lahat sexy. Kung hindi sexy, kontrabida,” ani Paolo.
“So, I guess, ang isa sa natutunan ko, ang isa sa mga naging challenge ng pelikulang ito para sa akin, is how to work my way around being a leading man.
“Hindi naman kasi ako sanay sa mga ngiti-ngitian sa eksena. Sanay ako sa nakasimangot ako.
“Sanay ako sa nang-aakit na hitsura, kasi ang mga ginawa kong film before (sexy).
Ibinida rin ni Paolo na talagang inaral niya ang karakter sa pelikulang ito.
“Kasi kahit anong sabihin natin, dapat natural ‘yung acting. But you still have to do it in a cinematic way.
Nasa cast din ng Spring in Prague sina Elena Koslova, Marco Gomez, at Ynah Zimmerman.
Gaganapin ang premiere screening ng pelikula sa Enero 19, Lunes, 4:00 p.m. sa Cinema 12 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City. At mapapanood na ito sa mga sinehan simula February 4.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com