Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca De Vera Love You So Bad Will Ashley Dustin Yu

Bianca de Vera naiyak sa Love You So Bad mediacon 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

REWARDING. Ito ang tinuran ni Bianca De Vera at hindi napigilang maiyak pagkatapos mapanood ang trailer ng pelikula nilang Love You So Bad nina Will Ashley at Dustin Yu  sa  mediacon, Lunes ng gabi na ginanap sa Dolphy Theater.

Hindi halos makapaniwala ang tatlo na bida na sila sa pelikula pagkatapos nilang lumabas sa PBB; Collab. Ang Love You So Bad ay handog ng Star Cinema, Regal Entertainment, at GMA Pictures na idiirehe ni Mae Cruz-Alviar at isinulat nina Crystal San Miguel, Maren Kyle Loreno, at Vanessa Valdez.

“Grabe ganito pala ang pakiramdam na matupad ‘yung pangarap. Sobrang surreal ng moment na ito for me.

“I waited for this moment my whole life eversince bata pa lang ako.

“I’ve always grown-up watching Star Cinema movies and of course seeing our very own trailer, grabe napaka-rewarding. 

“Natutuwa lang talaga ako para sa little Bianca na nangarap (and) I’m so proud of her and dumating kasi ako sa isang point ng buhay ko siyempre na alam ng karamihan before ‘PBB’ na hindi ko alam kung para sa akin ba ‘yung mga pangarap ko.

“So, to that old version of Bianca, mag-antay ka lang darating ka rin diyan,” naiiyak na sabi ng batang aktres.

Halos hindi rin makapaniwala si Will sa nakitang trailer. “Sobrang nakatutuwa po na makita ang trailer. 

“Grabe kasi ‘yung naging preparation namin. Kumbaga lahat ng pagod, lahat ng puyat, lahat ng stress na dinanas while shooting this film, naging worth it talaga.

“Rito pa lang sa trailer, nakatutuwa na. 

“Goosebumps talaga at sobrang grateful lang.”

Hindi naman ma-explain ni Dustin ang nararamdaman.Basta sobrang saya niya. “Sobrang ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko ma-explain.

“Pero one thing is for sure, sobrang saya ng puso ko ngayon. Worth it lahat-lahat at hindi na ako makapaghintay mapanood ‘yung pelikula.

“Kasi talagang napakaganda, promise as in, ‘yun lang wala na akong masabi.”

Nasabi rin ni Bianca na may times na pinagdudahan ang sarili.

“Maraming salamat po sa mga taong naniwala sa akin and those times wherein I really doubted myself, Star Cinema has been there for me since day one.

“Sabay sila nangarap kasama ako, through thick and then they’re always there for me. So, maraming-maraming salamat po,” masayang sabi ni Bianca.

Pinasalamatan din ni Biianca ang mga big boss ng ABS-CBN, sina Mr. Carlo L. Katigbak, Ms Cory Vidanes, Kriz Gazmen, gayundin ang kanilang direktor na si Ms Mae. At siyempre hindi rin nakalimutan ni Bianca ang GMA, Regal, at lahat ng naging rason kung bakit nasa magandang kinalalagyan na ngayon ang kanyang career.

Kasama rin sa Love You So Bad sina  Agot Isidro, Bodjie Pascua, Victor Neri, Xyriel Manabat, Vince Maristela, Reign Parani, Franco Laurel, Ana Abad Santos, Desiree del Valle, Bernard Palanca, Ralph de Leon, Zach Castaneda, Nour Hooshmand, Victor Silayan, at Dimples Romana.Mapapanood ito sa December 25 na entry ng Star Cinema, GMA Pictures at Regal Entertainment sa 51st Metro Manila Film Festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aljur Abrenica Alas Axl Romeo Alkina, Aljur Jr Abraham

Aljur nag-bonding kasama ang mga anak kina AHJ at Kylie 

MATABILni John Fontanilla PINUSUAN ng netizens ang recent post na video ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram na kasamang …

Love Kryzl

Love Kryzl pinakabatang kompositor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAGUGULAT. Sinong mag-aakalang ang isang siyam na taong gulang  ay makapagsusulat ng …

Angelina Cruz Robbie Jaworski

Robbie Jaworski at Angelina Cruz pinakabagong loveteam na kakikiligan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BAHAGI ng inaabangang series, ang The Alibi ang rising stars na sina Angelina Cruz at Robbie …

Piolo Pascual Manilas Finest

Piolo Pascual sa Death Penalty: Let the judges decide

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TILA nahirapan si Piolo Pascual ipahayag ang saloobin nang makorner siya sa tanong …

Zanjoe Marudo Ria Atayde Unmarry

Zanjoe nilinaw ‘di totoong hiwalay kay Ria; Gagawa pa ng baby next year

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI totoo! Iyan ang sagot ni Zanjoe Marudo sa pang-uusisa kung totoong hiwalay …