SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
BAHAGI ng inaabangang series, ang The Alibi ang rising stars na sina Angelina Cruz at Robbie Jaworski. Baguhan man sa acting scene, tumatak na agad ang dalawa sa kani-kanilang karakter na ginagampanan.
“A lot of realizations tungkol sa proseso ng trabaho. Initially, I thought acting and hosting was about being quick-mabilis mag-isip, but it’s a lot more than that. It takes a lot of preparation-in mind, in body; it’s a whole package,” sabi ni Robbie ukol sa journey niya sa showbiz at kung paano naiiba ang kanilang karanasan sa unang mga ekspektasyon.
“I expected it to be the same as filming a movie because I filmed a movie na with DonBelle before, and I found it very chill. But filming a serye, ‘The Alibi,’ is very different—it can be very fast-paced,” ani Angelina ukol sa kauna-unahan niyang serye.
Kasama nila sa The Alibi ang dalawang pinakamalaking stars at loveteams ngayon na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Si Robbie at Angelina ay gaganap din na love interests sa serye at bilang younger siblings ng mga nabanggit na established stars.
Si Robbie ang gumaganap bilang Edward Cabrera, kapatid ni Paulo, na nagmula sa mayaman at influential na pamilya.
Ibinahagi ni Robbie ang tungkol sa kanyang karakter, at kung paano niya sinusubukang ikonek ito sa kanyang personal na buhay: “I used a lot of inspiration actually from my personal life…
“Isang upbringing or pinanggalingan ni Edward is he’s a nepo baby na may trabaho sa pamilya niya. His family has a hotel, and he became the manager of it. It really helped, ‘yung balance of being humbled enough to know na wala ka masyadong alam sa buhay mo,” sabi pa ni Robbie.
Si Angelina naman ang gumaganap bilang Katherine Morales, nakababatang kapatid ng karakter ni Kim, na nagmula sa mas humble na pamilya-isang malaking kabaliktaran sa mundo ng mga Cabrera.
“I really had to dig deep into Katherine’s character and find elements where / could resonate with. ‘Yung pagiging overprotective niya sa family niya, having a sister that she loves so much—| have two sisters,” sabi ni Angelina.
Bukod sa pag-arte, regular VJ host din si Robbie sa MYX samantalang si Angelina naman ay may passion sa music and singing.
Ang tambalang Angelina at Robbie sa The Alibi ay nagbukas ng maraming bagong oportunidad para sa dalawang aktor.
Para kay Angelina, malinaw na ang acting ang gusto niyang ipagpatuloy at mas pagbutihin.. “As of now, my focus is really acting and working on that… I want to try acting,” sabi niya.
“You can truly succeed in it if you enjoy it,” dagdag ni Robbie tungkol sa industriya at tungkol sa lahat na kanyang natutunan sa larangan ng showbiz.
First time sumabak sa Star Magic Spotlight Presscon ang showbiz’s freshest faces na sina Angelina at Robbie.
Baguhan man sa acting scene, bahagi na agad ang rising stars ng lead cast sa isa sa pinaka-inaabangang series ngayon, The Alibi.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com