Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Valenciano Rico Blanco

Paolo Valenciano kay Rico Blanco: We’re simply not meant to work again

HUMINGI ng paumanhin si Paolo Valenciano sa kanilang kliyente, ang JBL Sound Fest, Cup of Joe, at sa mga audience dahil sa tagal ng paghihintay gayundin ang ng pag-ako ng pagkabalam ng music fest.

Si Paolo ang concert director ng music festival na ginanap noong Sabado, December 6 sa Pasig City na nagkaroon ng major delay.

Sa Facebook post ni Paolo, sinabi nitong hindi niya na-control ang event, kaya nadagdagan pa ng dalawang oras ang pagtatanghal. Ang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon ng problema o ang biglaang pagbabago umano sa lineup na tampok ang bigating OPM acts gaya ninaRico BlancoCup of Joe, December Avenue, Flow G, at Ashtine Olviga.

Tonight, I lost complete control of our event, which caused a major delay and added two extra hours of work to an already exhausted team,” ani Paalo sa kanyang post.

Nilinaw ng direktor na hindi late ang Cup of Joe para sa oras ng kanilang performance pero dahil sa nabagong call time naipit sila sa trapik.

Naalarma ang banda at nagmadaling bumiyahe papunta sa venue matapos silang abisuhan na dapat ay mas maaga silang kakanta. 

I sincerely apologize to our client JBL and to my brothers from Cup of Joe (who had to be picked up by motorcycles in traffic jams just to make their new call time). This was my first year with JBL Sound Fest so I found this incredibly frustrating,” dagdag pa ni Paolo.

Sa bandang huli ng post ni Paolo binanggit niya ang pangalan ng veteran singer-songwriter na iniidolo niya.

We learn new things every day and I know I still have a lot to improve! To everyone who was there, super sorry 😢,” paghinge ng paumanhin ng direktor.

And to Rico, my hero, while I sincerely wish you the best, I’ve learned that we’re simply not meant to work together again,” pagtatapos ni Paolo.

Maraming netizens ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon at katanungan tulad ng kung si Rico ba ang final performance noong gabing iyon o ang Cup of Joe? (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …