Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Kryzl

Love Kryzl pinakabatang kompositor

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKAGUGULAT. Sinong mag-aakalang ang isang siyam na taong gulang  ay makapagsusulat ng isang magandang awitin at tungkol pa sa pag-ibig.

Pero iyon ang totoo. Naipakita agad ni Love Kryzl ang husay sa pagsulat/pag-compose ng kanta sa pamamagitan ng Kayong Dalawa Lang na isang ode sa devotion, partnership, at pagpili sa isa’t isa araw-araw. 

Si Love Kryzl ay ang batam-batang CEO at presidente ng Purple Hearts at sa murang edad kitang-kita rito ang interes sa pagpapalakad ng kompanya gayundin sa pagko-compose ng mga awitin. Opo mga awitin dahil hindi una at huli ang Kayong Dalawa Lang.

Tiniyak ni Love Kryzl na masusundan pa ang Kayong Dalawa Lang nanagmamarka ng isang kapana-panabik na bagong kabanata para sa mang-aawit. Ang bagong labas na track na nilikha sa ilalim ng Purple Hearts Production ng Kryzl Group of Companies ay nagsisilbing musical tribute rin sa nalalapit na kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia.

Ilang araw nang napag-uusapan ang Kayong Dalawa Lang na music video ng soon to be husband and wife na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.

Multi-talented si Love Kryzl na nakitaan ng  hilig sa pagkanta kaya naman napag-usapan ito ng kanilang pamilya na bukod sa negosyo nilang Purple Hearts Vitamins ay bakit hindi nila pasukin ang recording.

At  itinayo na nga ang Purple Hearts Production, ang in-house company ng Kryzl Group of Companies at si Love Kryzl nga ang una nilang artist na planong magkaroon ng concert sa 2026.

Sakto ang lyrics ng Kayong Dalawa Lang sa mga ikakasal dahil kuwento ito ng pagmamahalan, kasiyahan, at mga hindi maiiwasang pagsubok o tinatawag na wedding jitters pero siyempre mas nanaig ang pagmamahalan.

Naibahagi ni Love Kryzl na napagod siya sa paggawa ng music video. Aniya, ”It is a bit tiring, but it’s fun. And I enjoyed the place, Las Casas. There’s so many historical place there.”

Naka-nfluence kay Love Kryzl sa kanyang hilig sa musika sina Taylor Swift, Blank Pink, Katseye, atBINI   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …