SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
AYAW nang makatrabaho ni direk Jeffrey Jeturian si Angelica Panganiban. Ito ang saloobin ng award winning director noong makatrabaho ang aktres sa Maalaala Mo Kaya maraming taon na ang nakararaan.
Ani direk Jeffrey, hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Angelica noong magkatrabaho sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Paliwanag pa ng direktor sa grand mediacon ng UnMary, official entry sa Metro Manila Film Festival 2025, feeling nabastos siya sa attitude ni Angelica. Kaya naman mula noon, ayaw na niyang maka-work uli ang aktress.
Hindi nagustuhan ni direk Jeffrey ang iniasal ni Angelica nang habang binibigyan niya iyon ng instruction para sa blocking ay tila inaantok.
“I’ve work with her sa ‘Maalaala Mo Kaya’ and that was the time na sabi nga niya maldita pa siya and after working with her sa ‘PlayHouse’ (dating serye ng ABS-CBN) at dito (UnMarry), siya na ang favorite actress ko!” nangingiting sabi ng direktor.
Sinabi naman ni Angelica na nangyari ang sinasabi ni direk Jeffrey noong panahong lumalagare siya sa kanyang mga proyekto kaya talagang wala siyang tulog.
“Grabe ‘yung favorite! Kasi noon ginagawa ko ‘yung ‘Iisa Pa Lamang’ (Kapamilya series, 2008). I remember galing ako ng Batangas tapos Bulacan ‘yung taping (MMK).
“Pagdating ko (Bulacan), tatlong asawa ko ang namatay sa ‘MMK’ na wala akong ginawa kundi umiyak tapos the following day hindi pa rin kami pack-up kaya habang bina-block ako ni direk nakakatulog ako.
“‘Yung sinabi ko na may mga nagagawa akong hindi ako proud noon, akala mo ang paglalagare ay maipakikita mo kung gaano ka kasipag pero ‘yun pala nakakabastos ka na ng mga katrabaho mo,” ani Angge.”
Sinabi pa ni Angelica na, “Masaya ang buhay pamilya at kitang-kita ko dahil favorite na ako ni Direk Jeffrey Jeturian ‘yun lang ang mahalaga. Alam niyang favorite ko rin siya at love ko siya.”
Palabas na sa December 25 ang UnMarry bilang bahagi ng MMFF 2025 at magsisilbing comeback movie ni Angelica. Kasama rin dito sina Zanjoe Marudo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff , Nico Antonio, at Eugene Domingo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com