Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Goitia Sandro Marcos

Goitia: Kusang Pagharap ni Sandro Marcos sa ICI, Patunay ng Tapang at Integridad

Humarap si House Majority Leader Sandro Marcos sa Independent Commission for Infrastructure matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa mga alegasyong inilahad ni dating kongresista Zaldy Co tungkol sa umano’y budget insertions. Mariing itinanggi ni Marcos ang mga paratang at tinawag itong walang batayan. Hindi siya itinuring na akusado at hindi nag iisyu ng subpoena ang ICI, ngunit pinili pa rin niyang dumalo nang kusa upang direktang linawin ang usapin.

Nagpakita ng matibay na paninindigan si Sandro Marcos nang kusang loob siyang humarap sa ICI. Hindi siya napilitan. Ginawa niya ito dahil tungkulin niya ito bilang pinuno at lingkod bayan.

Sa gitna ng mga pagdinig na madalas nauuwi sa ingay, nanatili siyang kalmado at maayos. Buong loob siyang nakipagtulungan at hiniling ang executive session upang manatili sa totoong isyu ang usapan at hindi mahaluan ng pulitika.

Sabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia:

“Ang kusang pagharap ay tunay na pagpapakita ng paggalang sa institusyon. Ang pananagutan ay tungkulin, hindi performance.”

Isang Lider na Pinili ang Katapatan

Bilang House Majority Leader, hindi inatake ni Sandro Marcos ang proseso o nakipagsagutan online. Hinarap niya ang mga tanong kung saan ito nararapat. Para kay Goitia, ito ang halimbawa ng tunay na paglilingkod bayan.

“Ang totoong lider, hinaharap ang usapin. Hindi nagtatago sa ingay o palusot.”

Matatag sa Kabila ng Ingay

Sa gitna ng mga walang basehang paratang at pagtatangkang guluhin ang bansa, nanatiling kalmado ang Majority Leader. Iginagalang niya ang proseso. Hinayaan niyang magsalita ang katotohanan.

Sabi ni Goitia:

“Hindi nasusukat sa ingay ang tapang. Madalas, makikita ito sa tahimik na pagharap na may katapatan at malinis na konsensiya.”

Paalala ng Tunay na Serbisyong Bayan

Ang ginawa ng Majority Leader ay nagbigay ng linaw at kapanatagan sa halip na kalituhan. Ipinakita niyang ang pananagutan ay hindi dapat iwasan kundi buong tapang na hinaharap. Para kay Goitia, nararapat lamang itong kilalanin.

“Sa gawa nasusukat ang integridad. Hinarap ni Sandro Marcos ang mga tanong nang may dignidad at paggalang sa proseso. Dapat itong pahalagahan.”

Ang Pundasyong Itinanim ng Pangulo at Unang Ginang

Dagdag pa ni Goitia:

“Pinalaki nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ang kanilang anak na may malinaw na diwa ng tungkulin at paggalang sa serbisyo publiko. Makikita sa ipinakitang composure at dignidad ni Majority Leader Sandro Marcos sa ICI ang mga pagpapahalagang itinanim nila sa kanya. May dahilan silang ipagmalaki ang kanilang anak, at naniniwala akong higit pang lalago ang kanyang kakayahan bilang lider sa mga darating na panahon.”

Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations:

Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),

People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),

Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at

Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement,

na nagtataguyod ng katotohanan, katatagan, at dangal ng sambayanang Pilipino. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …