Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat ang power couple sa mga kaibigan sa media sa pamamagitan ng isang intimate thanksgiving get-together. Bukod sa pasasalamat, ibinahagi ng Manzanos ang kanilang mga plano at mga bagay na inaabangan sa darating na taon.

Nagbahagi si Luis ukol sa konsepto ng “redirection” bilang proteksiyon mula sa mga bagay na hindi para sa ‘yo. Nang tanungin kung balak niya muling pasukin ang politika, sinabi niya: “Honestly, hindi ko na naiisip. After everything na we went through, everything that’s going on… para sa akin, I found my niche once again.”

Dagdag pa niya, “Right after the campaign, the election. For a while, I was lost. Pero after, everything fell into place right away. Ayokong sayangin din ‘yun kasi not everyone is given a second chance na manumbalik sa industriya. 

“At the moment, my main focus is balik sa pagho-host and taking care of the family. Pero marami pa rin akong itutulong din naman sa Batangas,” sabi pa ni Luis.

Puno naman ng pasasalamat si Jessy sa katatapos ng kanyang highly-anticipated on-screen comeback, Sins of the Father

Bukod dito nagpapasalamat din siya sa mga blessing sa kanyang personal na buhay. 

“I can confidently say na nahanap na namin [Luis] ‘yung tamang pattern para sa aming dalawa, sa pamilya namin, and individually. 

“I’m grateful to ABS-CBN also, akalain niyo nakabalik pa ako, ‘di ba? After 6 long years, taray, aakting ulit ang Jessy Mendiola. Napatunayan ko rin sa sarili ko-natapos  ko ang isang show.”

Dahil papalapit na ang holiday season, ibinahagi rin ni Jessy ang wish para sa lahat: “Peace for my family, my husband, for everyone else. But marami rin talagang nangyayari ngayon. Sana amidst all the chaos, marami pang hindi nakababangon sa calamities. Sana maramdaman nila ‘yung warmth…’yung pagmamahal.”

Nang tanungin tungkol sa wishes niya para sa sarili: “For myself, wala na akong masyadong hihilingin pa, nagpapasalamat na lang din ako… talagang masaya po ako.”

Nagbigay naman ng hint si Luis kung ano ang aabangan sa kanya sa 2026: “Good situation ang mangyayari next year dahil may babalik akong daily game show, nandiyan pa rin ang ‘Rainbow Rumble,’ at mayroon akong isa pang game show na gusto pang gawin. 

“‘Yung next year, ang tina-try gawin, two to three shows,” sabi pa ni Luis.

Habang patapos na ang 2025, parehong nag-reflect sina Jessy at Luis sa simula ng kanilang journey bilang mag-asawa—puno ng pasasalamat sa mga lesson, second chances, at sa mga taong nanatili sa kanilang tabi.

Sa pusong puno ng pasasalamat at focus sa pagpapatibay ng makabuluhang mga relasyon, sasalubungin ng mag-asawang Manzano ang 2026 na positibo at puno ng blessings.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …