Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang apat na taong relasyon.

Sa pakikipag-tsikahan namin kay Gerald sa Star Magic Spotlight noong Miyerkoles, Decembe 3, hindi naman nagkait ng kanyang saloobin ang aktor ukol sa naging relasyon kay Julia. 

Anang hunk actor, okay na okay siya ngayon at okay din ang pagiging single.

“Siyempre, I mean, marami namang ano ‘yun…focus ako sa growth as a person and building sa career ko, at building sa pagkatao ko dahil wala naman sigurong perpektong tao.

“So, being single right now is I’m taking time talaga to, you know… pag-aaralan kung ano ba ang mga puwede ko pang i-improve bilang isang tao,” ani Gerald 

Hindi rin nagmamadaling magkaroon muli ng girlfriend si Ge. “Am I looking forward? I have to be the best possible person bago ako pumasok sa bagong relationship.”

Inamin din ng aktor na may kulang sa kanya o may mga nagawang pagkakamali na nais niyang i-improve para sa susunod niyang pakikipagrelasyon.

“Hindi ko na po iisa-isahin ‘yun kasi siyempre alam ko na ‘yun eh, personal ko na ‘yon.

“It’s very personal para sa akin ‘yan and napaka-importante sa akin ‘yon kaya hindi ko na maise-share sa inyo.

“But of course, marami pa akong kailangan i-improve as a person, ‘yung hindi niyo nakikita behind the camera. 

“Nobody’s perfect but there’s so much na kailangan ko pang matutunan and be a better person.

“Pero kapag sinabi kong personal ‘yon, eh hindi ibig sabihin na wala kayong karapatan na… it’s just sinasabing personal kasi inaayos ko pa,” esplika pa ni Gerald.

Samantala, ibinahagi naman ni Gerald ang kanyang creative ventures bilang aktor, direktor, entrepreneur, at prodyuser gayundin ang ukol sa konseptong ‘reconnection.’

Mula sa matagumpay na Sins of the Father, na siya ang lead actor at director, kabilang si Gerald sa Rekonek na isa sa MMFF 2025 entries.

Sa pelikula, ginampanan niya ang maging prodyuser bukod sa pagiging isa sa mga bida.

Nang tanungin kung ano ang nagpapasaya at nagpapa-busy sa kanya ngayon, sinabi ni Gerald na, “Siyempre promoting ‘Rekonek.’ ‘Rekonek’ is a first producing venture ko rin with The Th3rd Floor Studios.

“‘Rekonek’ is a Christmas movie. Na-miss ko rin ‘yung Christmas-themed movies eh, mga pelikulang tungkol sa Pasko…That’s something I want to give sa audience natin. Ang premise ng kwento ay paano tayong mga Filipino kapag nawalan tayo ng wifi, 10 days before Christmas,” paliwanag ni Ge sa kung paano ipakikita ng pelikula ang iba’t ibang perspektibo ng buhay.

Kasama ni Gerald sa pelikula si Charlie Dizon, “Kami ni Charlie ‘yung gaganap sa love story aspect ng movie. It’s how the internet and social media can affect a modern day relationship.”

Sinabi pa ni Gerald na nabuo ang konsepto noong nagsu-shooting sila ng Netflix series na BuyBust nang mawalan ng signal o iyong bukod tanging source ng kanilang wi-fi. 

Sa dalawang dekada, patuloy na ipinakikita ni Gerald na hard work, talent, at tatak Star Mgic spirit ang susi sa lasting success sa industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …