Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Best Actress star Awards

Vilma in high spirit ‘pag tumatanggap ng tropeo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

I feel so happy, it’s a different high.” Ito ang tinuran ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto matapos muling masungkit ang Best Actress trophy sa katatapos na  41st PMPC Star Awards for Movies noong Linggo. December 30, 2025.

Bagamat madalas makatanggap ng pagkilala si Ate Vi sa tuwina’y hindi nawawala ang excitement at pasasalamat sa kanya.

“I feel so, so happy. Every time nabibigyan ka ng pagkilala, it’s a different high kasi kahit paano na-acknowledge na you did something good. So sa PMPC, maraming salamat sa tiwala,” anang premyadong aktres.

Bale ika-sampung Best Actress award na ni Ate Vi ang natanggap niyang tropeo para sa Uninvited sa 41st PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Makabagong San Juan Theater, San Juan City.

Ang iba pang mga pelikulang nagpanalo sa aktres/politiko ay ang Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita, The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano ka Ginawa (1998), Anak(2000), Dekada 70 (2002), Mano Po (2004), In My Life (2009), Everything About Her (2016), When I Met You in Tokyo (2023), at itong Uninvited ngayog taon.

Tiniyak naman ni Ate Vi na gagawa pa rin siya ng pelikula bagamat kinuhang muli ang marami niyang oras bilang public servant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …