TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na nakahimpil sa Manila North Harbor sa Moriones, Tondo, sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi, 3 Disyembre.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa loob ng engine room ng barko dakong 7:16 ng gabi at mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dakong 7:21 ng gabi.
Tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog dakong 8:45 ng gabi.
Samantala, agad dinala ang mga sugatang crew ng barko sa pagamutan upang malapatan ng lunas.
Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa barko. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com