Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DPWH Bulacan

Batbat ng anomalya, DPWH Bulacan binalasa ni Dizon

INAYOS at muling nagtalaga ng mga posisyon sa loob ng Bulacan DPWH Office si Public Works Secretary Vince Dizon matapos masangkot ang mga opisyal nito sa mga nangyayaring anomalya sa flood control projects.

Sa isang kautusang na inilabas ng Kalihim noong 26 Nobyembre, itinalaga ni Dizon si Kenneth Edward Fernando, dating Engineer III sa DPWH Central Office Construction Division, bilang officer-in-charge assistant district engineer ng Bulacan 1st DEO at kasabay na OIC-Human Resource and Administrative Section chief.

Ibinalik din ni Dizon si Paul Genar Lumabas, dating Engineer III sa DPWH Public-Private Partnership Service (PPPS), bilang Bulacan 1st DEO OIC ng Planning and Design Section at si Hector Homer Tuazon, isa ring Engineer III sa DPWH PPPS ay na-reassign bilang OIC ng Construction Section.

Samantala, si Ferdinand Vergara Jr., dating Engineer II sa DPWH Bureau of Research and Standards ay itinalaga bilang OIC ng Quality Assurance Section.

Kasama din sa balasahan sina Glengel Pineda na itinalaga bilang Bulacan 1st DEO OIC-Budget Unit Head at Jay-ar Mel Amazona bilang bagong OIC Procurement Unit Head.

Sa naunang kautusang inilabas noong 30 Oktubre, pinangalanan ni Dizon si Josefino Melgar bilang OIC-District Engineer ng DPWH 1st DEO.

Lahat ng posisyon na ito sa DPWH Bulacan 1st DEO ay naiwang bakante matapos ang graft and malversation charges na nai-file ni Dizon sa Ombudsman noong 11 Setyembre laban sa 20 opisyal at inhinyero ng DEO dulot ng isang maanomalyang ghost flood control project sa Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …