NAARESTO ng mga awtoridad ang isang matagal nang pinaghahanap na most wanted person sa ikinasang operasyon sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1 Disyembre.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Mark Louie Sigua, acting chief of police ng Sta. Maria MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias Mark, 28 anyos, residente ng nasabing barangay at nakatala bilang Top 5 Most Wanted Person sa provincial level ng Bulacan.
Dakong 11:00 ng umaga kahapon, dinalip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610.
Inilabas ang warrant of arrest inilabas Presiding Judge April Anne M. Turqueza-Pabellar, presiding judge ng Sta. Maria, Bulacan RTC Branch 6- Family Court, na may petsang 18 Nobyembre, 2025.
Dinala ang akusado sa Sta. Maria MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago siya i-turn over sa korte na naglabas ng warrant.
Ayon kay P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang nasabing matagumpay na operasyon ay patunay ng determinasyon ng Bulacan PNP sa pagpigil at pag-uusig sa mga wanted persons. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com