SA gitna ng sunod-sunod na sakuna ngayong Nobyembre—mula sa sunog, malalakas na bagyo, hanggang walang tigil na pagbaha—nanatiling matatag ang CC7 at Laro77 sa kanilang misyon na tumulong at magbigay-pag-asa sa mga pamilyang pinaka-nangangailangan.
Buong puso silang nagpaabot ng tulong sa libo-libong Filipino sa Metro Manila, Bulacan, at Pampanga, patunay na may mabuting puso ang kanilang komunidad.
Nagsimula ang buwan sa saya at tawa nang maghatid ang CC7 at Laro77 ng Halloween party para sa 300+ na bata sa Barangay Capri, Novaliches, Quezon City.
Nag-enjoy ang mga bata sa games, candies, at cash prizes. At ang pinakamaganda—lahat ng bata ay umuwi nang may sariling cash prize, walang naiwan luhaan, ‘ika nga.
Agad ding naghatid ng tulong ang CC7 at Laro77 team nang magkasunog sa Barangay Catmon, Malabon City. Dinamayan nila ang mga residenteng lumikas sa Oval Sports Complex sa Barangay Hulo.
Bawat evacuee ay nakatanggap ng Grocery Pack at Jollibee Chickenjoy, isang munting paalala na hindi sila nag-iisa sa hirap na kanilang pinagdaraanan.
Nariyan din ang CC7 at Laro77 team na mabilid kumilos nang bahain dahil sa Bagyong Uwan ang Barangay Bagong Ilog sa Paombong, Bulacan.
Mahigit 500 pamilya at 500 indibidwal ang nakatanggap ng grocery packs at Chickenjoy meals—simpleng handog, pero malaking tulong sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.
At dahil sa tuloy-tuloy na ulan at high tide, matagal nang hindi humuhupa ang baha sa Barangay San Jose, Macabebe, Pampanga.
Nag-abot ang CC7 at Laro77 ng groceries at Jollibee meals sa mahigit 2,000 pamilya at indibidwal, hatid ang kaunting saya at suporta sa gitna ng kanilang araw-araw na laban sa baha.
Isa sa pinakamalungkot ngunit pinaka-makabuluhang misyon ng team ay ang pagbisita sa Barangay Saplad David, na halos isang taon nang lubog sa baha.
Mahigit 700+ na biktima ang nabigyan ng relief goods at pagkain.
Para maabot ang mga residente, kinailangan pang sumakay ng maliliit na bangka ang team para tumawid sa malalim na baha—patunay ng kanilang dedikasyon na makarating sa mga pinaka-nangangailangan, gaano man kahirap ang daan.
Sunog, bagyo, walang-humpay na ulan, at super typhoon—sari-saring trahedya ang dumaan sa bansa nitong Nobyembre. Pero sa bawat hamon, naroon ang CC7 at Laro77, handang mag-rescue, magbigay ng tulong, at maghatid ng saya.
“Hindi lang kami basta online casino,” sabi ng team. “Komunidad kami na may pusong nagmamalasakit. Anumang suporta ang natatanggap namin, ibinabalik namin sa mga tao.”
Higit sa entertainment, ang CC7 at Laro77 ay handang maghatid ng tulong at pag-asa sa mga Filipino. Sa kanilang tuluy-tuloy na outreach programs, layunin nilang palakasin ang komunidad at maging kasangga ng mga Pinoy sa pangangailangan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com