Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

3 suspek sa pamamaril timbog; Baril, bala, granada nasamsam

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong suspek na sangkot sa  panloloob at pamamaril sa Brgy. Liciada, bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 29 Nobyembre.

Humantong sa Malabon ang ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ng Bustos MPS at Bulacan PIU kung saan nakumpiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang baril, baril at granada.

Ayon sa ulat ni P/Capt. Heherson Zambale, officer-in-charge ng Bustos MPS, dakong 3:15 ng hapon kamakalawa nang nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Bustos MPS at Bulacan PIU sa Alley 8, Karisma Ville, Brgy. Panghulo, sa lungsod ng Malabon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Kabilang sa mga nadakip ang isang 39-anyos na tattoo artist, residente ng Brgy. Malamig/Brgy. Paltok, Angat, Bulacan; isang 44-anyos na pedicab driver; at isang 30-anyos na tattoo artist, kapwa mga residente ng Brgy. Panghulo, Malabon.

Ayon sa ulat, dakong 3:00 ng madaling araw kamakalawa nang makarinig ang mga nagpapatrulyang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng sunod-sunod na putok ng baril  at kaagad nagresponde sa lugar.

Dito nila nadiskubre ang biktima na nakahandusay sa lupa at may mga tama ng bala sa hita matapos matapos pagnakawan at barilin ng mga suspek na tumakas sakay ng isang kulay abuhing kotse papunta sa direksiyon ng Pandi, Bulacan.

Nang matanggap ang ulat, ang mga tauhan ng Bustos MPS, Bulacan PIU ng Bulacan PPO at Regional Intelligence Division ay kaagad naglunsad ng back tracking sa insidente na nagbigay-daan upang matunton ang kinaroroonan ng mga suspek.

Sa close coordination na isinagawa sa Malabon CPS ay nagresulta ito sa pagkakaaresto ng mga suspek sa Brgy. Panghulo, sa nabanggit na lungsod.

Kumpiskado sa mga suspek ang isang Cal. .45 Colt pistol (defaced serial number) na may magazine at may apat na bala, isang Cal. .45 Norinco na may serial number 1109117, may magazine at may pitong bala, isang Cal. .45 Para-Ordnance pistol, isang Cal. 9mm HK VP9, na may serial number 224385849 na may magazine at may 11 bala, isang  Cal. 9mm pistol na may serial number 1451627 na may magazine at may limang bala, isang Uzi 9mm na may silencer at dalawang magazine, isang Upper Receiver Benelli T1102-03E000150, isang M16 Rifle, DPMS Panther Arms na may serial number A675432, na may dalawang magazine, isang hand grenade, 200 rounds ng Cal. .45, 84 na bala ng Cal. .40, anim na bala ng Cal. .38, tatlong bala ng 9mm, apat na bala na 5.56, 48 na bala ng .22, pitong assorted cellular phones, iba’t ibang magazine assemblies, mga sari-saring ID, at isang bulletproof vest na may markang “NBI”.

Dinala ang mga naarestong suspek at narekober na ebidensya sa tanggapan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at paghahanda ng mga kaukulang kaso laban sa kanila. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …