MATABIL
ni John Fontanilla
GUMAGAWA ng ingay ang proyektong pinagsamahan nina Will Ashley at Andrea Torres, ang Babe sa Bintana, isang micro drama.
Kasama nila rito sina Olive May, Jan Marini, at Karenina Haniel.
Naging usap-usapan ng mga netizen sa social media ang mga mala-seksing eksena nina Andrea at Will sa teaser ng micro drama.
Ilan sa reaksiyon at komento ng netizens ang sumusunod:
“Aaaaaaahhhhhh grabe ung andrea torres at Will Ashley!!! Ang sarap nyong kagatin.”
“willashley17 may kiss pala kayo diyan iba kana talaga”
“GRABE! GOOSEBUMPS!”
“Nung una may Ina Raymundo na Ngayon naman Andrea Torres naman! Iba tlga ang kaldag boi ! Magaling eh!”
“Ang ganda ang galing ni miss andrea si will kahit kanino ipartner bumabagay”
“Luh nagkiss sila nag kiss sila”
“Hala nabinyagan ang isang @willashley17 ng nag iisang Andrea Torres gagaling! Kakatakot pero ang hot”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com