Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Lino Cayetano Elijah Canlas

Richard Gomez pinuri ni direk Lino: he elevates everyone sa performance niya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKAGALING ni Richard Gomez.” Ito ang tinuran ni direk Lino Cayetano nang makahuntahan namin pagkatapos ng Block Screening kahapon ng Salvageland sa Gateway, Cinema 8.

Hindi rin napansin ni direk Lino na nanibago o nangapa sa pag-arte si Richard na gumaganap na isang veteran police officer na ama ni Elijah Canlas na isa ring police. Pitong taong namahinga si Leyte 4th district Rep. Richard sa paggawa ng pelikula kaya naman sinabi nitong nanganay siya pagdating sa pag-arte nang muling humarap sa mga camera.

Ang last movie niyang ginawa ay ang Three Words to Forever noong 2018 kasama sina Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo

Napakagaling ni Richard Gomez. Sabi ko nga kilalang atleta, public servant, nag-e-excel sa kahit anong ginagawa niya, pero si Richard regalo siya sa atin bilang artista, as a film star,” papuri ng direktor kay Richard na nakita rin namin ang sinasabing galing ng aktor mula sa ilang madamdamin nilang tagpo ni Elijah.

“In fact sa henerasyon niya siguro is last as a film star. Noong panahon niya hindi pa telenovela ang naghahari. Si Cong Goma, ‘yung mata niya, galaw niya pang-pelikula eh. Napaka-strong ng anchor ng pelikula dahil sa performances ni Richard Gomez.

I think it elevates everyone,” papuri pa

ng direktor sa nagbabalik-acting na aktor/politiko.

Hindi rin nakita o napansin ni direk Lino ma nanibago sa pag-arte si Richard.

Sabi niya naninibago siya pero actually sanay naman tayo sa lahat ng artista. Sometimes it takes time before you dive into a role, pero sa akin hindi ko napansin na nangangapa si Richard. Kasi sa akin ‘yung level at ‘yung standard ng excellense niya napakataas at nakita ko nga iyon.

“Siyempre ang Richard Gomez ang nakatrabaho Ishmael Bernal, Lino Brocka, Chito Rono, Marilou Diaz Abaya. Parang iyon ang kinalakihan ni Goma eh. So it was a pleasure to work with him. Nag-elevate iyong paggawa namin ng pelikula,” pahayag pa ng direktor ng Salvageland na handog ng Rein Entertainment at napapanood na sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …