Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manilyn Reynes SRR Evil Origins

Manilyn type gumawa ng possessed movie: nakakita na kasi ako ng ganoon

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Manilyn Reynes sa bida sa isang episode ng SRR: Evil Origins, isa sa entry sa Metro Manila Film Festival 2025. Co-star niya rito si Richard Gutierrez

Hindi ito ang first time na nagkatrabaho ang dalawa. Nagkasama na sila noong 1990 sa pelikulang Feel na Feel na pinagbidahan ni Manilyn.

That time ay teen-ager pa lang siya while si Richard ay 6 years old pa lang.

Sabi nga ni tita Annabelle, ‘first time ninyo ba ni Richard magkatrabaho?’ Sabi ko, ‘Hindi tita. First time noong maliit siya. Ngayon malaki na siya, ako na ang maliit,’” natatawang sabi ni Manilyn.

Dahil horror ang nasabing pelikula, kaya tinanong ang beteranang aktres kung anong nakatatakot na role ang gusto niyang gawin. 

Ang sagot niya, ‘“Yung na-possess (ng masamang espiritu).

“Kasi unang-una, nakakita na ako ng totoong nangyari na ganoon.

“Pero mapatutunayan mo rin na Diyos talaga at love sa family ang makatatalo roon,” sabi pa ni Manilyn.

Nakakailang franchise na rin ang Shake, Rattle & Roll. Pero marami sa mga nakapanood ang nagsabi, na ang episode ni Manilyn sa SRR 2 na Aswang ang talagang pinakatumatak sa kanila at natakot sila.

Kahit ako sobrang natakot din doon,” wika ni Mane.

Showing na sa December 25 ang SRR: Evil Origins. Mananakot ngayong Pasko si Manilyn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …