MA at PA
ni Rommel Placente
DALAWANG beses nang gumawa ng gay role sa pelikula si Eric Quizon. Una ay sa Pusong Mamon, noong 1998, na pinagbidahan nila ni Lorna Tolentino at Albert Martiez.
At ngayon ay sa isang comedy film na Jackstone 5, na bida sila nina Gardo Versoza, Jim Pebengco, Arnel Ignacio, at Joel Lamangan, na siya ring direktor ng pelikula.
Kahit kinukuwestiyon noon pa ang kanyang sekswalidad, tuloy pa rin si Eric sa pagtanggap ng gay role.
Dahil dito, muling naungkat ang bading isyu tungkol sa kanya.
“Bahala sila kung anong gusto nilang isipin. ‘Yun lang ‘yun,” reaksiyon ni Eric.
Tungkol naman sa maraming nagsasabi na siya na ang next Dolphy, dahil gaya ng kanyang namayapang ama, ay mahusay din siya sa comedy.
Ang reaksiyon ni Eric, “Being the next Dolphy parang hindi. Parang marami pa akong kakaining bigas. There’s only one Dolphy.
Nakausap namin si Eric sa mediacon ng Jackstone 5 na showing na sa December 3.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com