Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lino Cayetano Mon Confiado Rein Entertainment

Direk Lino Cayetano ‘di titigil sa paggawa, pagpo-prodyus ng pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

KAHANGA-HANGA ang lahat ng artistang bumubuo sa pelikulang handog ng Rein Entertainment at Viva Films, ang Salvageland na palabas na ngayon sa mga sinehan nationwide.

Mula kay Richard Gomez hanggang kina Elijah Canlas at Mon Confiado wala kang itatapon sa kanila isama pa si Cindy Miranda. Lahat kapuri-puri ang galing sa pag-arte. May kanya-kanyang moment na tatatak sa manonood.

Kasama rin sa mapupuri ang pagkakasulat ng script, pagkakadirehe, cinematography, sound na pati kuliglig ay maririnig. Gayundin ang mga top shot o drone shots, ang galing. Dagdag pa iyong location nila na akma talaga sa tema ng pelikula. Kaya naman pwede mo talagang ihelera sa mga foreign movie na hinahangaan natin ang pagkakagawa. 

Kaya nga may instance na nag-sorry daw si Elijah dahil feeling ng batang actor eh hindi niya nabigyan ng justice ang pagmomotor. Nahirapan daw si Elijah dahil inaral pa nito ang pagmomotor.

Ayon kay direk Lino, “Paraan talaga ng Rein Entertainment iyong immersion. Before we shot outside of the workhops, baril, motor, we take time talaga bago para mag-shoot ng pelikula. We spent time para mapag-aralan ang iba’t ibang aspeto pa ng craft.”

Bagamat maraming invitation ang Salvageland para maipalabas sa iba’t ibang film festivals abroad, iginiit ni direk Lino na mahalaga sa kanya na maipalabas muna sa ating bansa ang kanilang pelikula.

“In the next few weeks may iba’t ibang invitations sa mga film festivals around the world. Nauna na siya sa Milan, sa Oltre lo Specchio Film FestivalMag-focus muna kami rito sa run sa Pilipinas hopefully it’s a good run. Then itong December, January, February mag-focus naman kami sa festivals and sa iba pang international release.

Pero ang pinaka-importante sa amin mapanood siya ng mga kababayan natin,”

giit pa ni direk Lino.

Bitin ang ending ng Salvageland na tila may part 2, kaya naman natanong ito kay direk Lino.

Bukas siya pero ‘yung pagkawala ng isang character sa ending, sa akin more than na nagsesenyales ng part 2. Parang simbolismo iyon na ang kasamaan hindi nawawala. Kaya ang pakikipaglaban natin hindi pwedeng isang beses lang. Kung kahapon mabuti tayo pwedeng ngayon masama na.

Kaya ang paalala na araw-araw kailangan nating makibaka, araw-araw kailangan nating ipaglaban ang tama,” wika pa ng direktor.

Positibo rin si direk Lino na ang pelikulang Salvageland ang pelikulang matapos mapanood ay pag-uusapan bukod sa napakahalagang aral na makukuha.

“I always believe, estudyante pa lang ako sa UP na ang industriya natin, ang plataporma natin napaka-makapangyarihan. 

“Minsan masakit na ang tenga natin sa kakapakinig sa mga politiko, pero ang sarap manood ng pelikula. Ang sarap manood ng TV. 

“Iyong medium ng entertainment is such an important platform para mapag-usapan ang mga frustration natin, mga pangarap natin. 

“I think it’s the kind of movie na pinag-uusapan. Hanggang saan ba talaga ang willing isugal para maayos ang problema natin sa isang lugar, sa pamilya, sa bayan? At iyon ang interesting sa akin na pagkatapos ng pelikula pag-uusapan iyon. Kasi tama ba ang naging desisyon ng nanay, ng tatay? Tama ba iyong desisyon ng bata? Ganoon ‘yung mga bagay na dapat pinag-uusapan natin ngayon bilang bayan. Ano iyong sacrifices na willing to take and to make?

Sa kabilang banda, iba naman ang pananaw ni direk Lino sa sinasabi ng iba na film industry is dying.

Ako tingin ko I’m very positive. Positibo ang tingin ko sa takbo ng industriyang Filipino. Over the last few months ang daming magagandang pelikulang Filipino. 

“Pero naniniwala ako na kailangan nating manligaw. Kailangan kong manligaw ng mga filmmaker, producers, kasi kailangan hilahin uli natin pabalik ang mga Filipino audience to gain their trust again. 

“And iyon ang tingin ko, iyon ang ginagawa namin sa patuloy na paggawa ng magagandang pelikula. Sa patuloy na pagkukuwento ng magandang kwento. Making sure iyong technical aspects maganda, patuloy nating nililigawan para magtiwala sa atin. 

Buhay pa ba ang pelikula? Ang tingin ko buhay, ang tingin ko the future is bright.

Kaya naman sa pelikula nilang Salvageland, gusto ni direk Lino na mapanood ito ng mga Filipino lalo ng mga estudyante.

Mahal ang paggawa ng pelikula ngayon so siyempre challenge sa ating mga kababayan. Pero gusto namin mapanood ng lahat ng mga kababayan natin iyong ating pelikula, particularly gusto ko mapanood ng mga estudyante.

“Gusto ko mapanood ng mga nanay, tatay na may mga anak. Parte ng mensahe niya eh, obligasyon ba ng mga anak natin na ayusin ang mga problema na minana nila o may mga obligasyon pa rin ba ang mga nanay at tatay na baguhin, ayusin ang problema para sa susunod na henerasyon?

“Lagi nating sinasabi na ang kabataan pag-asa ng bayan pero hanggang saan natin iaasa sa mga bata iyong mga problema na tayo naman na pwede nating hanapan ng solusyon. Iyon ‘yung isang tema na pinag-uusapan ng pelikula,” pahayag pa ng direktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …