Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xavier Cortez RK Rubber CINEGOMA

CINEGOMA Film Festival 2025 inilunsad sa Quezon City

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

OPISYAL nang nagsimula ang CINEGOMA Film Festival 2025—na ngayon ay nasa ika-anim na taon—noong Nobyembre 24, sa Quezon City Museum, na pinagsama-sama ang mga student filmmaker, independent creator, propesyonal sa industriya, at mga mahilig sa pelikula. 

Nakatutuwang ang dating sinimulang festival na maliit at sila-sila lamang, ngayo’y isa nang malaki at ibinabahagi na sa buong bansa.

Nagbukas ang festival sa isang masiglang parada sa paligid ng Quezon City Memorial Circle, na sinundan ng ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Xavier Cortez, CEO at founder ng RK Rubber, ang kompanyang nasa likod para mabuo ang CINEGOMA

Pagbabahagi ni Mr Cortez, noo’y gusto lamang niyang ma-motivate ang kanyang mga empleado sa pamamagitan ng short films. Na eventually ay nag-click kaya naman ipinanganak ang CineGoma na talaga namang hindi lang mga empleado kundi mga estudyante ang nabibigyang pagkakataon para maipakita ang galing at talento sa paggawa, pagsulat, paglalahad ng mga kuwentong isinasapelikula.

Sa CINEGOMA , binibigyan natin ng boses ang lahat, lalo na ang maliliit. Lahat tayo ay may kuwento na gusto nating iparinig. Naniniwala kami na lahat naman ay nagsisimula sa maliit,” ani Cortez.

Kasama sa lineup ngayong taon ang 25 pelikula ng mag-aaral, 15 propesyonal na entry, dalawa na pag-explore ng AI storytelling, at limang RK Exclusive na pelikula. Available ang mga screening sa QCX, Coffee Spot at Sine Pop. Kaya naman sa Nobyembre 29, tiyak na ang pagtungo ng lahat sa Quezon City University para sa Final Big Screening at Awards Night.

At bilang simula ng Cinegoma Filmfest, ang mga piling maiikling pelikula ay ipinalabas sa loob ng QCX. Ang mga genre ay mula sa dokumentaryo hanggang sa drama, at pang-eksperimentong pelikula—bawat isa ay kumukuha ng mga natatanging pananaw na hinubog ng mga lokal na boses.

Bunod sa screening, mayroon ding workshop, panel talk, at mga sesyon ng pagsasanay sa mga darating na linggo. Layunin nitong bigyan ang mga batang creator ng mahahalagang kasanayan sa paggawa ng pelikula. 

Sinabi rin ni Cortez na may paparating na pakikipagtulungan mula sa mga paaralan, grupo ng kabataan, at lokal na organisasyon para patuloy na palawakin ang festival.

Sa tagumpay ng pagbubukas ng 6th CineGoma misyon nitong pagyamanin pa ang susunod na henerasyon ng mga gumagawa ng pelikula at bigyang pansin ang mga kuwentong karapat-dapat makita, marinig, at maalala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …