Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia Maricel Soriano

Joshua nag-workshop bago nabigyan ng lead role

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT pala pumasok noon sa PBB House si Joshua Garcia ay hindi pala niya naisip na pasukin ang showbiz.

Sa panayam kasi sa kanya ni Maricel Soriano, tinanong siya nito kung pinangarap niya bang maging isang artista talaga? Ang sagot niya ay hindi.

Sabi ni Joshua, “After niyong PBB ko, hindi ko pa alam kung mag-a-akting ba ako.

“Nai-enjoy ko na ‘yung ‘ASAP.’  Parang okey na ako roon.

“Pero hindi enough.

Pagpapatuloy niya, “Taga-Batangas kasi ako. And then lumipat ako ng Maynila kasi nandito ‘yung work ko.

“Eh, ang hirap ang dami kong binabayaran. Of course ‘yung tinitirhan ko, ‘yung pagkain ko. And then ‘yung service. Of course ‘di enough.

“And then nakukuha ako sa mga project noon, pero natatanggal din.

ako.

“Parang from lead role, gagawin nila akong third wheel. Hanggang sa eventually,matatanggal na ko. So kulang. 

“Sabi ko, kulang ako sa experience.

“Ang ginawa ko, nag-workshop ako.

“Pagkatapos ng workshop ko, ang pinakamalaking role na natanggap ko, ‘yung ‘Barcelona’ (pelikulang pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).

“And then nabigyan na ako ng lead roles.

“Hanggang unti-unti, minamahal ko na ‘yung craft ko, minahal ko na ‘yung akting.”

Dahil nga rito, ipinagpatuloy na ni Joshua ang  pag-aartista.  At isa na nga siya sa pinakasikat na aktor ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …