Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VCM The Celebrity Source

VCM 25 taong naghahatid ng pag-asa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SA pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo, pinatunayan ng VCM The Celebrity Source na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa kinang ng mga bituin, kundi sa kabutihang naibabahagi sa iba. Ipinagdiwang ng kompanya ang makasaysayang taon na ito sa pamamagitan ng isang outreach event na naghatid ng saya at pag-asa sa mga bata— isang paalala na mula noon hanggang ngayon, ang puso ng VCM ay nananatiling nakatuon sa koneksiyong may layunin.

Sa loob ng 25 taon, nagsilbing matibay na daan ang VCM The Celebrity Source sa pinakamakabuluhang kolaborasyon ng mga trusted brand at brightest artists sa bansa.

Sa pagdiriwang ng kanilang silver anniversary, buong pusong nagpapasalamat ang VCM sa mga tao at kompanyang naging bahagi ng kanilang makulay na paglalakbay, at sabik nilang haharapin ng panibagong yugto ng pakikipag-ugnayan.

Sa kanilang mahigit na dalawang dekadang karanasan sa brand strategy, celebrity

management, at influencer marketing, naging mahalagang tulay ang VCM sa pag-uugnay ng mga brand at bituin. Bunga ng kanilang malalim na pag-unawa sa mundo ng showbiz at marketing, nakalikha ito ng mga kampanyang hindi lang nagbebenta ng produkto kundi naghatid ng tunay na kwento at inspirasyon.

Kabilang sa mga tumatak at matagumpay na VCM projects ay mga kampanyang

kinatatampukan nina Robin Padilla para sa Kawasaki at Talk & Text, Anne Curtis para sa Lay’s, Kathryn Bernardo para sa TLC at Zion, Daniel Padilla para sa Pepsi, Alden Richards para sa Sting, Marian Rivera para sa NUWhite, at Luis Manzano para sa Ajinomoto, Regasco, at Rebisco.

Nakatrabaho rin ng VCM sina Piolo Pascual, Maris Racal, Belle Mariano, at iba pang bituin-patunay sa kakayahan nitong pagtagpuin ang mga brand at personalidad

Ang ika-25 anibersaryo ng VCM ay nagbibigay-pugay din sa mga celebrity brand ambassador na naging bahagi ng kanilang paglalakbay— mga artistang ang talento at integridad ay kaayon ng mga pinahahalagahan ng kompanya.

Kabilang dito sina Robin at Mariel PadillaJasmine Curtis-Smith, Mikael Daez at Megan Young, Emilio Daez, Joyce Pring-Triviño, at Juancho Triviño, at marami pang iba.

Sa paggunita ng kanilang ika-25 anibersaryo, nakipag-ugnayan ang VCM The Celebrity Source World Vision para sa isang outreach activity na nakatuon sa pagtulong sa mga batang nangangallangan at sa kanilang mga komunidad.

Mahigit 13 taon nang katuwang ng VCM ang World Vision sa pagsuporta sa mga bata at sa paglikha ng positibong pagbabago —labas sa mundo ng entertainment at marketing.

As we celebrate 25 years, we’re grateful not just for the success in business, but for the opportunity to be a blessing to others,” ani Elizabeth “Betchay” Alviar-Vidanes, Founder ng VCM The Celebrity Source.

Nakisaya sa programa sina Joyce  at Juancho, na nagbahagi ng kwento tungkol sa tiwala sa sarili at paniniwala sa sariling kakayahan. Nakipaglaro rin sila at nakipag-bonding sa mga bata- isang hapong puno ng tawanan, inspirasyon, at pag-asa.

Para sa VCM, ang milestone na ito ay higit pa sa bilang ng taon— it’s about legacy. Mula sa pagtatatag ng strong brand partnerships hanggang sa pag-aalaga ng genuine relationships witt artists, patuloy na isinusulong ng VCM ang excellence anchored in faith and compassion.

Higit pa sa mga campaign at contract, naniniwala ang VCM na ang isa sa tunay na sukatan ng tagumpay ay ang paggamit na kanilang platform upang makapagbigay ng positibong epekto sa buhay ng ibang tao— pagpapatunay na success means more when it’s shared.

At the heart of every partnership we’ve built is trust,” ani Betchay. “For 25 years, we’ve been connecting brands, celebrities, and audiences through that trust. This milestone belongs not just to us, but to everyone who has shared and believed in our mission-to connect.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …