SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI magkaribal. Ito ang nilinaw kapwa ng dalawa sa itinuturing na heartthrobs ng bagong henerasyon na sina Andres Muhlach at Rabin Angeles.
Simula nang magbida sina Andres at Rabin sa Ang Mutya ng Section E, pinagsabong na sila ng kani-kanilang fans. Subalit hindi nagpaapekto ang mga ito.
Sa grand mediacon ng Season 2 ng Viva One series na Ang Mutya ng Section E: The Dark Sidenoong Martes nilinaw nila na walang away o inggitan sa kanila.
Ani Rabin, parang kuya ang turing niya sa kakambal ni Atasha Muhlach. Si Andres naman ay hindi karibal ang turing kay Rabin.
At sa totoo lang, na-miss nga nila ang isa’t isa kaya looking forward sila sa taping ng panibagong yugto ng Ang Mutya ng Section E: The Dark Side na ayon sa kanilang direktor na si Petersen Vargas asahan na ang mas pinakilig pang tambalan nina Andres at Ashtine Olviga gayundin ang marami at kakaibang gagawin ni Rabin.
“Trust that you’re in for a lot of twists and turns. And prepare your hearts for the complete chaos as shocking secrets come to light,” ani direk Petersen.
Sinabi pa ni Rabin na napag-usapan nila ang tungkol sa pagsasabong sa kanila ng fans habang sumasailalim sa workshop ni Ana Feleo. At nagkasundo sila ni Andres na ’wag nang masyadong magbasa ng comments online para hindi sila maapektuhan ng awayan ng fans.
At habang pinagsasabong sila ng fans kapwa naman umaarangkada ang career ng dalawa. Si Andres, kasama ang loveteam na si Ashtine ay nagbida na sa first movie na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna. Kabilang din siya sa cast ng Bagets: The Musical. Si Rabin naman, bukod sa sandamakmak na product endorsements, bida na rin sa launching film nila ni Angela Muji na A Werewolf Boy.
Iginiit din ni Andres na magkakaibigan silang lahat kahit off cam.
Samantala, answered prayer naman para kay Rabin ang sunod-sunod na proyekto matapos nga niyang makasama sa Ang Mutya ng Section E early this year. Nasundan kasi agad ito ng Seducing Drake Palma na ipinalabas din sa Viva One noong June. At ginagawa na niya ang A Werewolf Boy bukod pa ang sandamakmak na endorsements.
“Ang saya, kasi sunod-sunod.
“‘Yung parang kailan lang, hinihiling ko lang po na magkaroon ako ng project, magkaroon ako ng trabaho, kahit mag-talent pa lang po muna ako. Tapos ngayon, bigla, tuloy-tuloy.”
“’Yung parang hiniling ko lang na magkatrabaho ako kahit hindi na ako matulog, kahit hindi na ako magpahinga. Pinagbigyan po ako ni Lord, hindi na po talaga ako natutulog ngayon,” nakangiting turan ni Rabin.
Kaya naman sobrang thankful siya sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya gayundin sa kanyang Viva bosses na nagbigay ng malalaking opportunities na ito.
Si Andres naman nang matanong ukol sa kung naniniwala siya na lightning doesn’t strike twice on the same spot. Sinagot niya ito ng sa pamamagitan ng pagsusumikap at matibay na pananampalataya, makakmit ng isang tao ang kanyang mga layunin laban sa lahat ng pagsubok.
Ang tanong na ito ay may kaugnayan sa tagumpay ng kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales gayundin ng mga iba pang kamag-anak na Muhlach na nasa showbiz.
Sa kabilang banda, maraming dapat abangan sa Book 2 ng AMNSE na magsisimulang mapanood sa Viva One sa December 4.
Kasama rin sa AMNSE Season 2 sina Angela Muji Andre Yllana, Heart Ryan, Sara Joe, Charles Law, Axel Torres, Keagan de Jesus, Ethan David, Frost Sandoval, Nic Galvez, Sam Shoaf, AJ Ferrer, Michael Keith, Kurt Delos Reyes, Martin Venegas, Kyosu Guinto, Daniel Ong, Yanyan De Jesus, Derick Ong, Alex Payan, Rafa Victorino, Jastine Lim, Zeke Polina, Rommel Luna, Yayo Aguila, Joko Diaz, Nathalie Hart, Billy Villeta, Austin Dizon, Jeffrey Hidalgo, Taneo, Rhen Escaño, atNanette Inventor.
Hatid ito ng Studio Viva at Wattpad Webtoon Studios.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com