Kalaboso ang isang ginang na matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Baliwag City, Bulacan.
Napag-alamang nagpanggap na poseur buyer ang isang operatiba mula sa Baliwag MPS Drug Enforcement Unit (DEU) at nakipagtransaksiyon sa suspek hinggil sa bentahan ng shabu.
Upang hindi mahalata sa kanyang ilegal na gawain, sinasabayan ng ginang ang pagbebenta ng shabu sa kanyang sari-sari store at panindang ulam.
Subalit hindi inaasahan ng suspek na sa pagkakataong ito ay isa na palang operatiba ng Baliwag MPS DEU ang kanyang katransaksyon sa ilegal na droga kaya siya ay inaresto.
Nahaharap ngayon ang nasabing ginang na nasa kustodiya na ng Baliwag MPS sa kasong paglabag ng sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa suspek, nagawa lamang niya ang pagbebenta ng ilegal na droga dahil sa hirap ng buhay at mas madaling kumita ng pera sa ganitong paraan. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com