Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Derek Ramsay
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Derek Ramsay

Ellen pinuri si John Lloyd: he is a good provider

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAPOS pagpiyestahan ang mga isinambulat ni Ellen Adarna ukol sa umano’y nag-cheat na asawang si Derek Ramsay, ang pagiging mabuting tao, ama naman ang ibinahagi nito ukol kay John Lloyd Cruz

Sa pamamagitan ng video na ipinost niya sa IG Stories, sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens ukol sa ama ni Elias Modesto. Inurirat sa aktres kung ok sila ni JL.

With JL, wala talaga ako masabi. I have nothing but good things to say about him, you know.

“We had differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest and he is a very present father.

“Take note na noong naghiwalay kami ni JL, that was before Elias turned one year old, present siya,” ani Ellen.

Pinuri ni Ellen kung paanong gumawa ng paraan si Lloydie para makita ng personal ang kanilang anak noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

He would charter a private private plane for Elias during COVID just to see his son,” pagmamalaki ni Ellen.

Sa tanong ukol sa relasyon ni Derek sa anak nilang si Liana na nagdiwang ng 1st birthday noong October 23 at ang hindi pagdalo ng ama sa kaarawan nito, sinabi ni Ellen na, “He was sent an invite, but he chose not to go. He was doing frisbee or golf somewhere—so important, right?

“So there, he was sent an invite, and just two of his family came: his sister and his nephew. That’s it. He had a choice,” sagot ni Ellen.

Nauna rito, isinapubliko ni  Ellen kung paano nag-cheat daw sa kanya si Derek noong kasisimula pa lamang ng kanilang relasyon.

Ipinost nito ang mga“resibo” (screenshots) ng umano’y palitan ng mensahe ni Derek at ng “side chick” nito noong February 13, 2021.

Ani Ellen, kung nagawa umano ni Derek na magtaksil noong  nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon, baka raw nangyari uli ito noong mag-asawa na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …