SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
BINASAG ni Ellen Adarna ang pananahimik kahapon sa paglalabas ng resibo ukol sa imano’y panloloko ng kanyang mister na si Derek Ramsay.
Isang cryptic post muna sa kanyang Instagram Story ang inilabas ni Ellen.
Ito ang: “The audacity. Wow. The Audacity era. Wow. Sad boi era. Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing #manchild.”
Pagkaraan, ilang screenshots ng chat ng kanyang asawa at isang babae na hindi pinangalanan.
Nilinyahan pa nga ni Ellen ang date na February 13, 2021 na nakatala ang naging usapan ng dalawa.
May usapan na tila nagrereklamo ang babae dahil madalas daw siyang tinatawagan at mine-message ni lalaki.
“He literally messaged me everywhere – IG, WhatsApp and text if I’m avoiding him.”
“I don’t get why we have to keep talking pa if may Ellen na siya.”
Dito may sagot si Ellen, aniya: “Fyi. We were officially together Feb 4 2021.”
“Nanahimik ka na lang sana. Because I’ve got receipts. This is just the beginning,” dagdag pa.
May nagtanong na netizen ukol sa umano’y pagtataksil ng aktor bago sila nagpakasal.
Tanong ng netizen: “Why did you marry him if you knew that he is cheating?”
Sagot ni Ellen, “Duh. Did you see the post? I said I found out about it three weeks ago, like this month only. Okay? Someone informed me. So there.”
Sa huling bahagi ng IG Stories, sinabi ni Ellen na kilala niya ang babae at gusto niya itong i-reveal sa publiko, subalit pinagbawalan siya ng kanyang mga abogado.
“As much as I want to reveal who this girl is, I cannot. May lawyers advise me not to. I can get in trouble,” paliwanag ni Ellen.
“She is not an ex-girlfriend, she’s I think a side chick,” paglilinaw ng aktres.
“So not an ex-girlfriend. Kawawa naman ang mga ex-girlfriend niya walang kinalaman. But yeah, I know this girl has been there. They’ve been friends for decades and she’s always been there,” sabi pa ni Ellen.
Bago ito, ilang beses nang itinanggi kapwa nina Ellen at Derek ang ukol sa hiwalayan, subalit hindi ito mamatay-matay.
Nagsalita pa nga si Derek sa kanyang IG Story. Anito, “There’s this issue with Mr. Xian Gaza. I’ll just keep it very simple. There’s no truth to anything that was said. That’s it.”
Sumagot din dito si Ellen at sinabing nagkaroon ng technical glitch nang mapansing nag-unfollow sa aktor.
Samantala, ayon pa kay Ellen, marami pa raw siyang resibo subalit ilalabas lamang niya sa right time at proper forum.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com