Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dianne Medina

Dianne nababalanse oras sa pamilya at trabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAKINABANGAN ni Dianne Medina ang galing sa pagsasalita, determinasyon, diskarte, at pagiging positibong tao dahil sa kasalukuyan, isa siya sa nangungunang live seller sa bansa.

Ibinahagi ni Dianne ang apat niyang tropeo bilang Top Creator of the Year at Brand Choice of the Year Award sa Shoppee gayundin ang Tiktok Creator Award Creator Expo: Spark and Ascend at Lifestyle Trailblazers Night.

Sa pagbabahagi ni Dianne sa isang mediacon kamakailan sa Pandan Asia, sinubukan lang niya ang live-selling dahil noong pandemya. At dito nagsimula na maraming brands ang unti-unting nagtiwala sa kanya.

Ani Dianne, hindi siya agad-agad nagbebenta.  Sinusubukan muna niya isa-isa, ginagawan ng review, at saka iaalok para alam niya ang isasagot sa mga consumer na magma-mine sakaling may mga tanong sa produkto.

Paglilinaw ni Dianne, hindi lahat ng produktong ipinabebenta sa kanya at tinatanggap niya. May inaayawan din siya.

“Lalo ‘yung mga produkto na hindi pumasa sa standards ko,” paliwanag ng misis ni Rodjun Cruz.

Malakas na produktong nabebenta niya ay mga electronics, home appliances, at mom and baby stuff.

Bunod dito, nakapagbenta rin ng napakaraming bigas ni Dianne.

Aniya, tinulungan nila ang mga magsasaka sa Tarlac na dinayo pa nila para maibenta ang mga bigas ng mga ito. Hindi kasi alam ng mga ito ang ukol sa e-commerce.

At sa tatlong oras na pagbebenta ni Dianne, nakabenta siya ng P2.9-M halaga ng mga bigas kaya ganoon na lamang ang katuwaan ng mga magsasaka.

Gusto ko lang pong i-clear, hindi po sa akin napunta ‘yung P2.9-M, sa Shopee po,” diin ni Dianne.

Bagamat grabe ang sipag sa kabi-kabilang trabaho ni Dianne, pagiging live seller, shows sa PTV4, hosting at kung ano-ano pa, at mayroon din siyang dalawang anak na inaasikaso plus asawa, hindi niya napababayaan ang mga ito.

That question was asked to me before, ang sabi ko it’s all about time management and of course you juggle your work but then again you don’t have to do everything perfectly,” anito.

Iginiit pa ni Dianne na ang mag-aama niya ang inspirasyon para mas lalo niyang pagbutihin ang mga ginagawa. Para rin sa future ng kanilang dalawang anak ang pagpapagod na ginagawa niya.

Nang matanong kung susundan pa nila ni Rodjun sina Joaquin at Isabella, sinabi nitong “Okay na po ako sa dalawa kasi malaking factor din po ang age, I’m already 39 this year. During Isabella’s pregnancy it was so complicated,” ani Dianne.

Nagkaroon ng medical conditions si Dianne habang buntis siya sa bunso nila ni Rodjun tulad ng fatty liver, preeclampsia, hypertension, at acute pancreatitis dahil na rin sa labis nitong pagkain na unhealthy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …