Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang aktor. Bukod sa pagiging laging on time at never nale-late sa taping o shooting, wala rin siyang paki-alam sa magiging hitsura niya.

Tulad sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, ang Shake, Rattle & 

Roll: Evil Origins hindi big deal kay Richard na maging dugyot ang hitsura niya dahil nga marami sa mga tagpo sa third episode  na 2050 na idinirehe ni Ian Lorenos eh may mga aksiyon din siyang ginawa.

It’s a story about survival. Naroon ‘yung horror, ‘yung jumpscare, pero we added a touch of action. Pero totally different action from ‘Incognito,’ and ‘Iron Heart.’

“This is not so tactical and I tried to do it more of parang raw action, more on surviving than tactical,”paliwanag ng aktor.

Puring-puri naman ni Chard ang mga kasama niyang young generation dahil napakagaan ng mga itong kasama. 

Kasama niya sa episode 2050 si Ivana Alawi at ang mga young actor na sina Dustin Yu, Matt Lozano, at Celyn David.

Working with the young actors, you know, I have many scenes with Dustin and Matt, and you can really see na they’re willing to learn, they’re willing to be better as actors and they ask questions, they’re curious, but at the same time, we’re also having fun sa set,” ani Richard.

We have a light set, I think, na naging okey ‘yung working environment namin,” dagdag pa.

Noong nakausap namin si Dustin pinuri nito ang working ethics ni Richard gayundin ang pagiging humble nito.

Si Richard naman ay sinabing parang nakikita niya ang sarili kay Dustin noong time ng kabataan niya na sabay-sabay ang mga proyektong ginagawa.

“I can see Dustin, you know, arriving on the set sometimes, walang tulog, and you know, sometimes coming from another shoot and all that.

“You know, I just give him a few words of inspiration na ‘kaya ‘yan,’ ‘bata ka pa, kaya mo pa ‘yan,’ alam mo ‘yun?

“I could remember my time at his age as well na ganu’n din, walang tulog, and all that. 

“It’s really part of it. It’s really part of this job, part of the industry, and you know, I’m here to just maybe give a few words of wisdom, inspiration to those young actors,” wika pa ng aktor.       

Saludo naman si Richard sa professionalism at dedication ni Ivana sa trabaho kaya naman kahit napakahirap ng kanilang mga eksena sa pelikula, lalo na ang mga action scene ay nagiging madali na rin para sa buong production.

Wala rin daw kaarte-arte ang sexy vlogger kahit na dugyot na dugyot na ang itsura nila sa kanilang mga eksena.

She’s very nice to everyone, she works hard, you know, may mga times na natapos kami 4:00 a.m., 5:00 a.m., dugyot kami, you know, so makikita mo talaga hindi siya nagrereklamo. And she’s giving her best in every scene,” papuri pa ni Chard kay Ivana.

Mula sa Regal Entertainment, ang SRR: Evil Origins ay isa sa official entries sa MMFF na ipalalabas sa Disyembre 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …