Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray Celis Stephan Estopia Maricel Soriano Sharon Cuneta Dingdong Dantes Marian Rivera Vice Ganda

Kiray Celis sa Dec ikakasal; Maricel, Vice Ganda, DongYan, Sharon ninong at ninang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TULOY na tuloy na ang kasal ni Kiray Celis sa kanyang fiance na si Stephan Estopia sa December.

Ito ang ibinahagi ng aktres, entrepreneur sa paglulunsad ng kanyang mga produktong Hot Babe Green and Skin Vibe by Kiray’s Brands noong Miyerkoles sa Plaza Ibarra.

Ayon kay Kiray siya mismo ang nag-ayos ng kanyang kasal mula sa mga damit pangkasal nilang isusuot ni Stephan,  sa venue, reception ng wedding, hanggang sa pagpa-finalize ng listahan ng invited guests.

Sa isang simbahan sa Manila gagawin ang kasal at talaga namang star-studded ang listahan ng mga ninong at ninang.

Paliwanag ni Kiray ukol sa mga kinuha nilang ninong at ninang, personal niyang

kinausap ang mga ito at pawang mga ka-close talaga niya ang mga kinuhang gagabay sa kanila.

Kabilang sa mga ninong at ninang sina Maricel Soriano, Sharon CunetaDingdong Dantes at Marian RiveraVice GandaAi Ai delas Alas, Eugene Domingo, Gabby Concepcion.

I only wanted people who became part of my journey,” esplika ni Kiray ukol sa mga kinuha niyang ninong at ninang. “Lahat sila may kontribusyon sa pagkatao ko.”

Inamin naman ni Kiray na napakagastos lmagpakasal. Ang budget lang dapat nila P500,000 subalit habang tumatagal, lumalaki. 

Mabuti na lang at marami ang tumutulong sa kanila at ang iba ay nag-volunteer na sasagot sa ilang kakailanganin nila sa wedding.

Hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay nila (ninong/ninang) nakahihiya naman, alangan i-advance na nila o ito po bank account ko,” natatawang sabi ni Kiray.

Sa Amanpulo naman ang kanilang honeymoon.

Sa kabilang banda, super payat na ngayon si Kiray at bagay na bagay maging CEO ng Kirays Brand na wala pang isang taon ay nakapagbenta na sa mahigit 400,000 katao sa TikTok.

Kasama sa Skin Vibe line ang Singova Bleaching Scrub at Pwettura Bleaching Cream. Kasama rin ang Hot Babe Green Pistachio Matcha at Green Lemon Grass Pandan na nagpapayat at mas nagpaganda ng kutis ng aktres.

Ang Singova Bleaching Scrub ay para sa  gentle exfoliation at smoother skin at ang Pwettura Bleaching Cream naman ay para sa skin brightening at even complexion.

Ang Lemongrass Pandan  ay nagpo-promote ng detoxification at cleansing at ang Pistachio Matcha ay nagsu-support ng wellness at weight management.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …