SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
HINDI napigilan ni AJ Raval na maiyak nang aminin sa Fast Talk wirh Boy Abunda na lima na ang kanyang anak.
Inamin ng sexy aktres na tatlo ang anak niya kay Aljur Abrenica.
“Actually, Tito Boy, lima na po,” ani AJ.
“I have five kids.,” dagdag pa nito.
Kasunod nito ay pinangalanan niya ang mga anak mula sa panganay na si Ariana na seven years old na. Ikalawa si Aaron na hindi na nila kapiling at isa nang “anghel” dahil pumanaw na ito.
“Third one is Aikina, ‘yung panganay namin ni Aljur. Junior, then Abraham,” wika pa ni AJ.
Nang tanungin ni Kuya Boy si AJ kung bakit ngayon lamang niya isinapubliko ang ukol sa mga anak, sinabi nitong pinag-isipan niya itong maige dahil nais na niyang matigil ang mga kumakalat na espekulasyon at para mabigyan na rin ng kalayaan ang mga anak.
Ibinahagi rin ni AJ na kilala ng kanyang mga anak ang mga anak ni Aljur sa kanyang asawa na si Kylie Padilla na sina Alas at Axl.
“At first, mahirap po. Pero siyempre, nandiyan po ‘yung pamilya ko. Nakasuporta po sila. Kinaya naman, Tito Boy,” giit pa ni AJ.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com