Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality series na AFAM Wives Club tampok ang mga totoong kwento ng mga Filipina sa cross-cultural relationships at kung paano nila natagpuan ang pag-ibig sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at lahi.

Ayon kay direk Antoinette Jadaone, concept ito ng iWant na ibinigay sa kanila. 

Sa grabeng popularity ng ‘30 Day Fiance’ bakit wala pang nakagawa ng isang full length na reality show na magpo-focus sa mga AFAM at AFAM wives? 

“So very thankful kami for choosing Project 8 Projects to do this and I’m very happy na sobrang ganda ng messages/reactions. And super happy kami na ang daming nanood ng ‘AFAM Wives’ hindi lang dito sa Pilipinas but outside of the Philippines specially the US.

In fairness, sa nagawa natin, kaya super thank you and even after a day na ipinalabas ito tumataas ang viewership,” sabi pa ni direk Antoinette.

Susundan ng serye ang apat na kababaihang Filipina na magbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pag-ibig, pamilya, at pagtuklas sa sarili. Kabilang sa cast sina Mari Fowler na ipasisilip ang kanyang journey tungo sa pagiging ina; Keylyn Trajano, ang kasalukuyang Miss Universal Woman at isang proud transgender Filipina, na patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa kanyang tapang at katapatan sa pag-ibig; Julia Chu, isang abogada at negosyante, na magbabahagi kung paano niya binabalanse ang karera at buhay pag-ibig; at si Nathalie Hart na magkukwento ng kanyang karanasan bilang single mother at kung paano muling magsisimula sa buhay matapos ang kanyang divorce.

Hindi tulad ng karaniwang reality shows, nakatuon ang AFAM Wives Club sa tunay na mga kwento at karanasan ng bawat Filipinang umibig sa ibang lahi. Bawat episode nito ang magpapatunay na ang pag-ibig, sa lahat ng anyo nito, ay mananatiling isang unibersal na kwentong makare-relate ang lahat.

Pinangungunahan ni JP Habac bilang direktor, Antoinette Jadaone bilang producer, at Rodina Singhbilang showrunner, ipinakikita ng AFAM Wives Club ang tibay ng makabagong Filipina: palaban, matapang, at world-class kung magmahal.

Mapapanood ang AFAM Wives Club  tuwing Martes, 8:00 p.m., eksklusibo sa iWant. Available na rin ang unang episode nito ng libre, kaya mag-subscribe na para mapanood ang iba pa nitong episodes sa halagang ₱35 bawat buwan, o $4.99/month outside the PH (or equivalent currency).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …