Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Nartatez ICI

Sa Pamumuno ni Chief Nartatez: PNP Pinagtitibay ang Laban sa Katiwalian

Sa pamumuno ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling pinatunayan ng PNP na naninindigan ito para sa tapat, makatarungan, at marangal na paglilingkod sa bayan.

Sa High Command Conference na dinaluhan ng ICI at iba pang pangunahing ahensya ng pamahalaan noong November 12, 2025 sa Camp Crame, Quezon City, binigyang diin ni Chief Nartatez na ang serbisyo ng PNP ay hindi lamang nakasentro sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa pagtataguyod ng katotohanan at tiwala ng publiko.

Kabilang sa mga dumalo sina PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., DPWH Secretary Vince Dizon, AFP Chief of Staff GEN Romeo S. Brawner Jr., at ang mga kinatawan ng ICI na sina Commissioner Rogelio L. Singson, PGEN Rodolfo Azurin (Ret.), GEN Ariel Caculitan, Atty. Raymond R. Rojas, Atty. Rufino Mantos III, at Chairperson Justice Andres B. Reyes Jr. (Ret.).

“Bilang tagapangalaga ng batas at tagapagtanggol ng katotohanan, tungkulin ng PNP na tiyakin na ang bawat imbestigasyon ay isinasagawa nang may integridad at katarungan. Hindi kami magpapadala sa anumang impluwensiya o kompromiso sapagkat bawat hakbang na aming ginagawa ay nakatuon sa katapatan, pananagutan, at paghahatid ng hustisya para sa sambayanang Pilipino,” pahayag ni Nartatez.

Dumalo sa pagpupulong ang mga pangunahing opisyal mula sa Office of the Ombudsman, DOJ, NBI, AFP, DPWH, at ang PNP upang palakasin ang magkatuwang na hakbang sa pagsisiyasat ng mga “ghost projects” sa imprastruktura ng bansa.

Sa ilalim ng malinaw at matatag na direksyon ni Chief Nartatez, kanyang idiniin ang masigasig na papel ng PNP sa pinagsanib na imbestigasyon, partikular sa pagbibigay ng intelligence, forensic, at investigative support para mapalakas ang laban ng pamahalaan sa katiwalian.

Ipinaliwanag ni Chief Nartatez na ang PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas, kundi mahalagang katuwang din sa pagtataguyod ng isang bansang nakabatay sa pananagutan at katotohanan. Binigyang diin niya na ang mga pulis ay patuloy na nagsusumikap upang matiyak na walang paglabag ang makalulusot sa hustisya.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, kritikal ang masinop na koordinasyon ng mga ahensya, at inanunsyo niya na magdedeploy ng mga inspection team sa iba’t ibang rehiyon upang tiyakin ang pagiging lehitimo ng mga proyekto. Inihayag din niya na ilang kaso, kabilang ang mga non bailable offense na kinasasangkuntan ng mahigit apatnapung indibidwal, ang nakatakdang isumite sa Sandiganbayan.

Pinagtibay din ni PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño ang buong suporta ng PNP sa inisyatiba, at binigyang halaga ang mahalagang papel ng organisasyon sa pagtitipon ng impormasyon at pagpapatibay ng mga kaso.

“Lubos ang paninindigan ng Philippine National Police na palakasin ang mga investigative at intelligence efforts ng ICI at mga katuwang na ahensya. Ang ating mga pulis ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon at tumutulong sa pagbuo ng matitibay na kaso, upang matiyak na bawat lead ay masusuri at bawat iregularidad ay maaaksyunan.”

Para kay Chief Nartatez, ang integridad ay hindi lamang pananalita kundi isang pamantayan ng tunay na paglilingkod. Ang kanyang pamumuno ay sumasalamin sa diwa ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas, isang serbisyong mabilis, tapat, at tunay na nararamdaman ng mamamayan.

Kasama ang ICI, Office of the Ombudsman, DOJ, NBI, AFP, at DPWH, pinatitibay ng PNP ang laban ng pamahalaan kontra katiwalian. Sa pamumuno ni Chief Nartatez, nananatiling matatag ang organisasyon sa tungkulin nitong isulong ang katarungan, pananagutan, at ang tiwala ng sambayanang Pilipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …