MA at PA
ni Rommel Placente
SUMAKAY ng MRT si Dingdong Dantes. Pero hindi dahil nagmamadali siya, gusto niya lang umiwas sa traffic.
May ginagawa kasi siyang documentary special At part ‘yun ng kanyang social experiment.
Siyempre pa, pinagkaguluhan ang aktor. Maraming nagpa-picture sa kanya. At kinunan siya habang sakay ng MRT.
At kanya-kanyang post sa kani-kanilang YouTube at TikTok account.
Nakita nga namin ‘yung isang video ni Dingdong na nakatayo sa MRT at pangiti-ngiti pa.
Hati ang nabasa naming reaksiyon sa mga nakakita kay Dingdong sa personal.
‘Yung iba ay nagagwapuhan sa kanya. ‘Yung iba naman ay hindi.
May isa ngang nag-comment ng, “bakit mukhang stress si Dingdong?”
Pero in fairness kay Dingdong, gwapo naman talaga siya. Siguro that time ay pagod siya kaya haggard looking lang.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com