Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Celyn David SRR Evil Origins

Celyn David ‘kinatuwaan’ ng kakaibang elemento, hita ginuhitan 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKAPANGINGILABOT ang ibinahagi ni Celyn David habang nagsu-shoot sila ng Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, ang  SRR: Evil Origins. 

Isa sa mga bida si Celyn sa future episode, ang 2015 at kasama niya rito sina Manilyn Reynes, Ivana Alawi, Matt Loza at iba pa. 

Pagbabahagi ni Celyn ukol sa kakaibang experience, “Unang nakapansin po ng nangyari si Ms Manilyn. Kailangan ko po kasing umupo at habang nakaupo parang maynararamdaman ako na may nag-i-scratch na palalim nang palaim. 

“So nasaktan ako. Akala ko nga may nakaalsang pako lang kasi malapit iyon sa gilid.

“Noong nag-cut na roon nakita ni Ms Manilyn na may apat na scratch na mahababa sa legs ko. 

“Nilagyan na ng Betadine tapos iyong art dep tsinek ang corner ng sofa wala namang pasok o anumang pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ko ng guhit-guhit o scratch sa legs.

“Abandonadong bahay din ‘yung lugar na pinagsyutingan namin. Tapos sabi ng art dep kung pako raw po iyon hindi dapat apat na scrach o guhit. 

“Niloko pa nga po ako noon ni Ms Manilyn, sabi niya, ‘Hala ka baka may ibang nag-ano sa iyo.’

“Iyong setting po namin talaga sobrang luma na at marami na raw talagang naging ganap doon. Iyon po ang sabi sa akin,” pagbabahagi ni Celyn.

 Isang napakalaking bagay naman kay Celyn na makasama sa SRR: Evil Origins.

Aniya,mangiyak-ngiyak siya nang malamang kasama sa SRR: Evil Origins. 

“Nag-audition po ako para sa role ko na ito at maraming nangyari bago pa ako makapag-audition. Nariyang nasiraan ng sasakyan, mataas ang lagnat ko. Parang ayaw talaga akong papuntahin sa audition.

“Kaya po sobrang grateful ako na makasama talaga rito and grateful na pinagkatiwalaan ako ng Regal,” masayang wika pa ni Celyn.

Ang SRR: Evil Origins ay isang psychological horror na umiikot sa idea ng kasamaan na nag-uugat sa kasaysayan ng pamilya. 

Mapapanood ang SRR: Evil Origins simula December 25, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …