SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MALAKI ang naitulong ng bagong vitamins ng lifestyle brand na Purple Hearts kay Rodjun Cruz lalo noong lumaban siya Stars on the Floor.
Kinailangan ni Rodjun na patibayin ang kanyang mga kasu-kasuan kaya naman napakalaking tulong ng Purple Hearts vitamins lalo iyong Mighty Boost na tumutulong sa kalakasan ng kalamnan, buto, at paglaki na nakatuwang niya sa matinding pag-ensayo at paglaban sa sayawan.
Kaya hindi kataka-taka na ganoon na lamang ang papuri ng aktor sa mga produkto ng Purple Hearts.
Noong Biyernes inilunsad ang tatlong bagong vitamins kasunod ng pagpapakilala kay Rodjun bilang endorser nila. Isang Purple or Treat Costume Party and Product Launch ang isinagawa noong Biyernes sa Le Reve Pool and Events, Quezon City.
Noon pa namin naririnig ang vitamins na ito na sikat na sikat sa Tiktok at nalaman naming napakabata pa ng CEO nito, si Kryzl Jorge, 9 years old, na kumakanta’t sumasayaw na anak ng Kryzl Group of Companies na ang chairwoman ay si Liezl Jorge.
Bukod sa Mighty Boost, ang dalawa pang bagong Purple Hearts vitamins ay ang Immuni Boost, na nagpapalakas ng immune system dahil mayaman ito sa antioxidants na nakababawas ng oxidative stress, inflammation, at may panlaban sa environmental stressors; at ang Smarty Boost, para naman sa mood enhancement at memory uplift.
Infused ito ng botanical extracts para ma-sustain ang energy, ma-enhance ang focus, at ma-empower ang users sa pang-araw-araw na challenges with heightened alertness.
Si Kryzl nga ang “Little CEO,” na siyang tagapagtatag ng Purple Hearts, isang lifestyle brand sa Pilipinas na may layuning malapit sa kanyang puso: Nutrisyon.
Nagsimula ang kanyang paglalakbay sa negosyo sa isang matapang na misyon — tulungan ang mga batang hirap pakainin ng masustansyang pagkain sa pamamagitan ng paggawa ng mga bitamina na gugustuhin talaga nilang inumin.
Sa tulong ng Purple Hearts, inilunsad niya ang mga chewable supplements na layuning gawing masayang pagpipilian ang pagiging malusog, sa halip na gawain lamang.
“Ito ay mahalaga dahil ito ay tumutulong sa amin na lumakas,” ani Kryzl na nagpapakita ng kanyang paniniwala na ang wastong nutrisyon ay pundasyon ng paglakas at paglago.
Ngunit hindi lang sa negosyo umiikot ang mga pangarap ni Kryzl.
Noong ika-9 na kaarawan niya noong Hulyo, inilabas niya ang kanyang unang single na Birthday Love, na siya mismo ang tumulong isulat. Kasabay nito, nagbigay siya ng donasyon sa siyam na charity at inilunsad ang Purple Hearts Foundation, isang non-profit organization na tumutugon sa malnutrisyon at kakulangan sa micronutrients sa mga bata.
Sa pagsasama ng likas na pagiging negosyante, pagiging malikhain, at layuning makapaglingkod sa kapwa, pinatutunayan ni Kryzl na hindi kailangang tumanda para baguhin ang mundo. Sa edad na siyam, ginagawa na niya ito — at parang madali at masaya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com