Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Seth Fedelin Francine Diaz SRR Evil Origins

FranSeth excited sa SRR: Evil Origins, extra effort sa intense na mga eksena 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

GEN Z pareho sina Seth Fedelin at Francine Diaz pero naniniwala pala ang mga ito sa usog at tawas.

Ito ang nalaman namin sa chikahan with MMFF royalties para sa SRR: Evil Origins ng Regal Entertainment na bagamat nasa modern age na ay naniniwala rin sa mga lumang kasabihan o gawain.

Paano naman kasi naranasan nila ang “usog” at ang karaniwang panggagamot ng mga albularyo sa pamamagitan ng pagtatawas.

Ayon kay Francine, madalas siyang mausog noong bata siya kaya naman may mga pagkakataon na ipinatatawas siya ng nanay niya. May kakaiba raw kasi siyang nararamdaman kahit walang sakit. Kaya naman iyong lumang paniniwala ay naiaplay ng kanyang mga magulang sa kanya.

Naikuwento rin ng dalaga na mayroon siyang third eye noong bata at mas naging active ito habang lumalaki.

“Pero nagsara rin ito ngayong nasa 20s na ako. Wala na ngayon.” pagbabahagi ni Francine nang matanong ukol sa kakaibang experience na maituturing niyang horrific stories. “Minsan akala ko kapatid ko kausap ko, hindi naman pala siya. ‘Yung parang nanggagaya (doppelganger), tapos lagi kaming nauusog, lagi kaming pinapatawas ng nanay ko.” 

Si Seth naman ay tila nanuno na nalaman din nang ipatawas. Dahil sa kalikutan noong bata pa siya umakyat ng puno at nahulog sa lupa. Nagkasakit siya ng ilang araw at hindi gumagaling kaya naman ipinatawas siya ng kanyang lola. At doon nga nalaman na may ‘natuwa’ sa kanya.

Ipatawas siya sa albolaryo at doon ay nakita na may nasaktan siyang dwende. Sobrang natakot daw si Seth noon dahil parang nakita pa niya ang dwende sa peripheral view niya.

“Sa tawas po pati ’yung ilong (ng dwende) lumabas,” aniya. “‘Yun lang ang nakatatakot na experience ko. Pero ‘yung multo naman, ako ‘yung nananakot, eh. Ako po ‘yon,” natatawang niyang sey.

Sa kabilang banda, masaya kapwa sina Seth at Francine na nakasama sila sa SRR: Evil Origins. First-timers sila sa SRR kaya ganoon na lamang ang excitement ng FranSeth na maging bahagi ng pinakasikat at pinakamalaking horror franchise sa bansa at gusto nilang ibalik ang pagmamahal at pagtitiwalang ibinigay sa kanila ng mag-inang Regal producers na sina Roselle at Keith Monteverde.

Anang FranSeth, may mga action scene sila sa kanilang episode na talagang humamon sa kanilang kakayahan.  Isa ga raw sa challenge sa kanila ay ang manatiling gising sa set dahil kailangan ang super energy at extra effort sa intense nilang mga eksena.

Gagampanan ni Francine sa 2025 o present episode ang karakter ni Faye, only child ng struggling caterers na sina Bano na ginagampanan ni Alex Calleja at ni Malena na ginagampanan naman ni Manilyn Reynes. 

Si Seth naman si Sean, ang illegitimate son ng town governor na sa kabila ng pagpapakita ng tiwala sa sarili at charismatic na awra, malungkot kapag nag-iisa.

 Kasama sa 2025 ng SRR: Evil Origins ina Fyang Smith, JM Ibarra, Sassa Gurl, Althea Ablan, Arkin Lagman, at Karina Bautista.

Mapapanood ang SRR: Evil Origins sa mga sinehan simula December 25 na idinirehe nina Shugo Praico, Joey de Guzman, at Ian Loreños.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …