Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle nagkapikunan, nagkapisikalan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKITA namin ang mga eksenang paghaharap, paggigilan, pag-aaway nina Donny Pangilinan at Kyle Echari sa ilang episodes na ipinanood sa amin sa special screening ng action packed na Roja noong Biyernes sa Cinema 6 ng Trinoma kaya hindi nga kataka-takang hindi sila magkapikunan.

Inamin ng dalawang bida ng Roja na sina Donny at Kyle na hindi nila maiwasang hindi magkapikunan minsan dahil nga sa mga intense nilang eksena lalo iyong pisikalan.

Kaya pagkakatapos kunan ang mga ganoong eksena, pareho silang nananahimik. Pero kapag nakapagpahinga na okey na uli at nag-uusap na parang walang nangyari.  

Aminado naman si Donny na matindi ang paghahanda niyang ginawa para sa mga action scene nila ni Kyle.

First time niyang mag-aksiyon kaya tiniyak niyang handang-handa siya. Kaya naman nag-training siya ng martial arts, arnis, at jujitsu.

“Aside from martial arts and jujitsu na training at saka arnis, o ‘yung holding up a gun and how to fight, one of the most challenging things for me was really the endurance and being sure that I was ready to go through those scenes over and over again,” ani  Donny bukod sa first time niyang ginawa ang mga ganoong eksena. 

“You really have to make sure that you’re not running out of breath, and you’re ready for the next scene,” sabi pa ng batang aktor dahil hindi nga naman biro ang mga eksena nila.

Napag-alaman namingnag-mentor sa kanila sina Coco Martin at Jake Cuenca kaya naman pinaghirapan nila nang husto ang mga action scene nila.

Unang mapapanood ang Roja sa Netflix simula Nobyembre 21 (Biyernes) at sa iWant simula Nobyembre 22 (Sabado), at magiging available rin ito sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa Nobyembre 24 (Lunes) ng 8:45 p.m.

Kabilang din sa cast ng Roja sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.

Idinirehe naman ito nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …