Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Ryan Agoncillo

Juday sa 16 na taon nila ni Ryan: Being together is more than enough for me

MA at PA
ni Rommel Placente

SIXTEEN years nang kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. At sa loob ng mahigit isang dekadang pagsasama, nanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Sa tanong kay Juday kung ano ba sa tingin niya ang sikreto sa masaya nilang pagsasama ni Ryan, ang sagot niya, “Palagay ko importante ‘yung kaya ninyong pagtawanan ang isa’t isa. Malaking factor ‘yun.

“‘Yung respeto lang sa space kasi may mga moment na kahit magkasama kami everyday, may times na ayaw magsalita niyong isa. ‘Di rin magsasalita ‘yung isa.

“Kumbaga okay lang ‘yun.

“Malakng factor din na nakatutulong sa amin na may banyo nights kami, nag-uusap kami sa banyo.

“Halimbawa tulog na ‘yung mga bata, nagtu-toothbrush, ganyan. Nag-uusap kami, nagkukuwentuhan kami sa mga nangyari sa buong araw namin o pagtsitsismisan namin kung ano ang mga issue.

“Minsan walang kapararakang bagay or kung sino ang napanood namin. O minsan malalim, it’s about life.

“Minsan from Yohan or Lucho o Luna. Importante na napagtatawanan ninyo ‘yung mga bagay-bagay, and yes it’s important you spend time together. 

“’Di naman kailangan lumabas kayo ng bansa. ‘Di naman kailangang magastos, puwede namang mag-picnic lang kayo sa park or little things that will actually give you time together. Okay na okay na ako roon. 

“’Di siya kailangan na maging magarbo. Being together is more than enough for me,” mahabang esplika pa ng magaling na aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …