SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SUPORTADO ni Sunshine Cruz at ng kanyang mga kapatid na sina Samantha at Chesca ang ate nilang si Angelina Cruz sa kauna-unahang mystery-romance series nitong, The Alibi na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.
Noong Martes ginanap ang Blue Carpet at Screening ng The Alibi sa Trinoma Cinema at present ang ina at mga kapatid ni Angelina na gumaganap na kapatid ni Kim sa teleserye.
Kitang-kita kung gaano ka-proud si Sunshine sa kanyang panganay kaya naman all praises, sobrang na-excite, at sobrang proud sa anak.
“Nakae-excite and as a mom very proud tala ako, kasi she really auditioned for this role. Marami silang nag-audition for this role. And hindi niya ine-expect na makapapasok siya.
“But surprisingly nakapasok iyong bata.
“So, nakatutuwa talaga,” panimula ng akres nang makausap namin ito pagkatapos ng screening ng The Alibi.
Ipinagtapat din ni Sunshine na sobra siyang kinabahan sa unang TV series ng anak.
“Papunta pa lang (screening) dito kinakabahan na ako as a stage mom.
“Sinabi naman sa akin ni Angelina na, ‘Mom don’t expect too much kasi iyong first two scenes iyon ‘yung nangangapa pa siya bilang first teleserye niya ito. And muntik siyang himatayin noong ginagawa niya itong eksenang ito kasi sobra siyang kinabahan dahil biglang iniba ang script all of a sudden.
“Iniba rin ang call time niya, hindi siya nakapag-breakfast tapos sabi niya sa akin, ‘Mom, this was the scene that I’ve almost fainted. And I’ve told direk FM that I need to sit’ kasi muntik na raw siyang mahimatay.”
Hindi nasamahan ni Sunshine ang anak sa taping ng The Alibi dahil sa Cebu iyon ginawa at naka-lock in ang mga artistang kasama sa serye. Lagi namang nag-a-update si Angelina sa kanya sa mga nangyayari sa taping.
Sabi pa ni Sunshine matapos mapanood ang eksenang sinasabing muntik mahimatay si Angelina, hindi halata dahil magandang nagawa ng anak ang eksena.
Samantala, inaasikaso na ng kanilang abogadong si Atty. Bonito Alentajan kung mayroon silang pwedeng i-file na case sa mga gumagawa ng fake news sa kanilang mag-iina.
“Ilang taon nang nai-issue na buntis ako, buntis si Sam, buntis si Angelina. So far iyong bunso ko lang ang hindi ginagawan ng issue na buntis,” naiiling na wika ni Sunshine.
“Pero lagi naman kaming laman for years ng fake news and the more we keep quiet about it, the more na nagwo-worsen. That’s why I had to really call out. But unfortunately calling out did not really do anything.
“Ibinibigay ko na ang trust ko sa aking abogado, kay Atty. Alentajan to do what is right,” sabi pa ng aktres.
Actually matagal nang ginagawan ng fake news si Sunshine kahit noon pang karelasyon si Macky Mathay.
“Matagal na talaga, kahit ‘yung ex ko ine-edit ang mukha. Marami na talaga (fake news). It’s going on for so many years. Kahit tumatahimik na kami, nagla-lie low ako sa showbiz lagi talagang mayroon,” wika pa niya.
Ayaw naman nang pag-usapan pa ni Sunshine ang ukol sa kanyang lovelife, katwiran niya, “Parang napaka-off na pag-usapan pa ang lovelife ko o personal life ko. Matanda na ako, I’m 48 na.
“I think mas better na people would focus on siguro sa anak ko na lang dahil siya na ang active sa teleserye. Ako naman lay low na dahil sa heath issue,” katwiran ng aktres.
Ang tinutukoy na health issue ni Sunshine ay ang autoimmune. Mayroon siyang Myasthenia Gravis o weakening of nerves and muscles.
Ang MG of Myasthenia Gravis ayon sa Goggle ay isang chronic disorder causes antibodies to block the signals at the neuromuscular junction, leading to fluctuating skeletal muscle weakness that worsens with activity and improves with rest. It often affects muscles controlling the eyes (drooping eyelids, double vision), face, throat (difficulty swallowing or speaking), and limbs. (Ang talamak na karamdaman ay nagiging sanhi ng mga antibodies upang harangan ang mga signal sa neuromuscular junction, na humahantong sa pabagp-bagong paghina ng skeletal muscle na lumalala kapag may aktibidad at bumubuti kapag nagpapahinga. Kadalasan ay nakaaapekto ito sa mga kalamnan na kumokontrol sa mga mata (nakalatag na talukap ng mata, dobleng paningin), mukha, lalamunan (nahihirapang lumunok o magsalita), at mga paa.)
Ani Sunshine, walang gamot dito kailangan lamang ang iwasan ang ma-stress at bawal din ang mapuyat.
“Kaya nga I declined so many shows dahil kahit gustuhin ko hindi kaya ng katawan ko for now. But I’m hoping and praying at sinasabi ko nga sa mga offer ko maybe by next year po lumakas na at pwede na. For now avoid stress muna ako,” nasabi pa ni Sunshine.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com