Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong ang kahandaan nitong magpakita ng skin sa kasalukuyang seryeng pinagbibidahan nila ni Paulo Avelino, mula Dreamscape Entertainment, ang The Alibi na mapapanood na simula Nobyembre 7, 2025, Biyernes sa Prime Video. Mula ito sa direksiyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes.

Gagampanan ni Kim ang mapang-akit na escort na si Stella, na todo kayod sa buhay para sa kanyang pamilyang nagkawatak-watak.  

At dahil escort ang role ni Kim maraming eksenang nagpapakita ng kaseksihan at talaga namang bago sa mga karaniwang ginagawa niya sa telebisyon at pelikula.   

“Siguro naman, as a 35 years old woman, tapos na tayo sa 16 years old role na teeny-teeny,” ani Kim sa mediacon matapos ang blue-carpet premiere screening ng first episode ng The Alibi. 

“Pero favorite ko talaga mag-teeny-teeny, magpapatawa. Pero parang kapag tina-track ko ‘yung journey ko rito sa industriyang ito, parang…Parang nahati ko naman siya sa teens, 20’s.

“Sabi ko, anong ipakikita ko sa aking 30’s? ‘I think it’s my skin!’

“Pero ano, malaki talaga iyong tiwala ko talaga sa Dreamscape. As in sila talaga ‘yung naghubog sa akin, Danica… hala, nakakaiyak!” at dito na nga unti-unting tila naluluha ang aktres.

Ang tinutukoy na Danica Domingo ni Kim ay ang writer ng teleseryeng The Alibi, na prodyus ng Dreamscape Entertainment na siya ring nasa likod ng serye Linlang ng KimPau.

Sinabi pa ni Kim na, “Hala, bakit?! Hindi, hindi naman siya ginawa as… It’s artistic way.

“Medyo mahirap na gawin pero tama na ang iyak! Gusto ko lang magpakita ng bago.

“At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role, eto na. Ito na ‘yon.

“So I want to prove all of them wrong. And that I can do more.”

Nang hingan naman ng reaksiyon si Paulo sa daring scenes ni Kim, sinabi nitong, “Well, I don’t think it’s about skin or about ano… parang it comes with the maturity of the role, and what the role requires.

“So, minsan talaga may mga karakter at may mga istorya na gustong ikuwento at sa mga ganitong paraan kailangan.

“Dahil kung nagbebenta nga naman talaga ng aliw ‘yung karakter, ang hirap naman kung hindi mo nakikita or napapanood, at hindi naipakikita sa audience na ginagawa niya iyon.

“So it comes with… also the maturity of the actress. Pero mas character-driven po ito.

“At kami po rito ay very loyal and very dedicated… ‘yung dedikasyon na ibinibigay namin sa karakter namin ay purely for our character.”

Sa kabilang banda, sobra-sobra ang pasasalamat ni Kim sa Dreamscape sa pagkakaloob sa kanya ng magaganda at malalaking project.

“And of course, si Pau rin naman, malaking tulong din siya dahil nakita ko naman ‘yung respeto niya sa akin.

“And sa mga direktor namin na inaalagaan iyong mga shot and ‘yung mga cameraman namin.

“Sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko. Thank you so much!

“And sa nag-choreo sa akin, thank you. Sa gym trainers ko, thank you so much. Pero more than the skin… it’s what’s inside me, and what I want to show to all my supporters.

“And kung magkakaroon man ng bagong supporters, maraming salamat po.”

Ito na ang pagsugal nina Kim at Paulo ng kanilang pag-ibig sa pagsabak nila sa mas mapangahas na seryeng nababalot ng mga sikreto sa mystery-romance na The Alibina eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula Nobyembre 7.

Pagkatapos pumatok sa mga manonood ang una nilang Prime Video series na magkatambal sa Linlang, handog naman ng KimPau sa The Alibi ang isang nakaiintrigang kwento ng pagmamahalan na masusubok nang masangkot sila sa misteryosong pagpatay sa isang kilalang personalidad.

Si Kim ang mapang-akit na escort na si Stella, na magiging komplikado ang buhay niya nang makilala si Vincent (Paulo), ang tagapagmana ng isa sa pinaka-makapangyarihang news agency sa bansa.

Isa-isang mauungkat ang mga malagim na sikreto ng dalawa nang maisiwalat na si Vincent ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang karibal na si Walter (Sam Milby). Para isalba ang kanyang reputasyon, babayaran ni Vincent si Stella, na may sariling palihim na motibong maghiganti, para magsilbing “alibi” niya para palabasin na wala siyang kinalaman sa krimen. 

Sa pagpasok nila sa isang delikadong kasunduan, handa na silang itaya ang lahat, maging ang kani-kanilang buhay at prinsipyo, para mahanap ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan na matagal nang gumugulo sa kanilang nakaraan.

Tampok din sa The Alibi ang mga premyadong artista na kinabibilangan nina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, Angelina Cruz, Alyanna Angeles, Alma Moreno, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ian de Leon, Romnick Sarmenta, Enzo Osorio, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano.

May bagong episode na ipalalabas kada Biyernes na mapapanood sa Pilipinas at sa higit 240 na bansa at teritoryo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …